"Do you want anything?" Eris yawns. "Tasteless coffee, colorless tea, or tap water?"

"What?" maiinom ba yung mga inaalok nya?

Itinuro nito yung labas ng kwarto. "I basically don't have anything here. I'm just offering you nonsense out of courtesy. I just hope you're polite enough to say No. You don't need anything, right?" Hindi pa ako nagsasalita ng tumango ito at pumalakpak pa ng isa. "Okay. You don't need anything at all. Good."

Napailing na lang ako. Kahit kelan talaga ay hindi ito matinong kausap. Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit nagkacrush dito noon si Kaylee. Wala naman kasing kagusto-gusto dito sa babaeng ito.

Eris is far different than Ember and Essex. Yung itsura kasi ng dalawang kapatid nito yung tipong mga nagmana kay Tita Grant. A typical dark aura na pag tinitigan ka ay para ka na nilang tinutunaw sa paraan ng pagtitig. Good looking with snobbish features.

Unlike them, Eris have that soft features. Parang ito pa nga yung mabilis kausapin sa lahat ng mga Silva bukod kay Harrice. Malamlam kasi yung mga mata nito na para bang laging inaantok.

Kung hindi mo pa nga ito kilala ay iisipin mo na para pa nga itong iiyak dahil sa sobrang expressive ng mga mata nito.

Si Harrice kasi ay bubbly yung aura pero yung tabas ng dila, halatang may pinagmanahan.

Eris. Her name doesn't suit her. It's actually the opposite.

It's a well-known story that Eris is the calmest Silva that connects her family. Ito ang dahilan kung bakit kahit ilang beses na muntik-muntikan maghiwalay yung mga magulang nito ay nanatili pa din ang mga ito na magkasama.

Eris surely knows how to create a chaos to keep her family. Together and intact.

"Nagugutom ako, Monkey. Hindi pa ako naglalunch. Wala ka bang pagkain dito?"

"Just call for a room service. Have it charge in my account."

Pagkasabi nito niyon ay bumalik na ito ng higa sa hinihigaan nito. Lalo tuloy akong nagtaka ng mapansin na imbes sa kama ay sa sahig ito nahiga. Tanging kumot lang din yung nilatag nito.

I wonder how she can sleep in that set up. Siguradong matigas at malamig yung sahig. Hindi ba sya uubuhin ng lagay na yan?

"Hoy, Monkey." Lumapit ako sa kanya at marahang sinipa yung likod nito. Padapa kasi itong matulog.

Kaya siguro muntikan na maging flat-chested.

"Hmm?" She groaned half-annoyed. Don't tell me nakatulog agad sya pagkahiga nya pa lang?

"Umakyat ka sa kama. Bakit dyan ka nahihiga? Ang laki laki ng bed tapos nagtatyaga ka dyan?"

Sinulyapan ko pa yung kama nito. She have an Alaskan king size bed tapos sa sahig lang sya natutulog? May saltik talaga. Malala.

Inangat lang nito kung kanang kamay nito, giving me a middle finger. Pagkatapos ay tinakpan ng unan yung mukha habang nakadapa pa din.

"Malamig yung sahig. Gago ka ba talaga? Umakyat ka dyan sa kama. Mukha ka talagang pulubi. Wala ka na ngang manners tapos kung umasta ka pa para kang aping bata sa kalye."

Nang hindi ito kumilos ay naiiling na lumapit ako dito para buhatin na lang ito. Tutal naman ay ililibre ako nito ng lunch ngayon. Marunong naman ako tumanaw ng utang na loob.

Pero di pa ako tuluyang nakakalapit ay saka naman ito pumihit. At dahil hindi ko iyon inaasahan ay nasalabit yung paa ko sa paa nito. Sa kakaiwas ko na huwag itong matapakan ay tuluyan akong nawalan ng balanse. At bago pa ako bumagsak sa sahig ay maagap na akong nahatak ni Eris. Ang siste, dito tuloy ako napadagan.

AeipathyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon