"I'm nocturnal."

Sumulyap ito sa mga luggages na dala ko pero hindi naman nagkomento. Hinayaan lang ako makapasok.

"Shoes off." Paalala pa nito.

I shrugged my shoulders as I remove my shoes. I put it on the shoe rack katabi ng mga sapatos na panlabas nito. "You're not just normal. Pa-nocturnal nocturnal ka pang nalalaman."

Pagkapasok pa lang ng unit na inookupa nito ay hindi ko maiwasan na hindi mamangha. Di hamak kasi na mas malaki at mas malawak iyon kumpara sa hotel room ni Kaylee.

Well, what do I expect? Kuripot kasi iyon si Kaylee samantalang brag naman itong si Eris. That's really not so surprising. They're way different in every all ways.

"Zombies might attack in night time. I should stay awake by then."

Napalingon ako dito. Pupungas pungas pa din na naghihikab habang kinukusot yung mga mata. Parang pinipilit nga lang nito na manatiling gising dahil nandito pa ako.

"Zombies aren't real, Monkey. Are you still that stupid to believe that they're real?" kunot-noong tanong ko dito.

I was once curious about Eris' sleeping habit. During the summer camp kasi na naging ka-team ko ito ay may mga quirks talaga ito na mahirap pakisamahan.

Actually, Eris seems too intelligent for her age. Mabilis ito mag-isip ng diskarte. Mabilis gumawa ng plano. A typical tactical leader that's way far above others. Kaya nga yung team namin noon yung nanalo sa summer camp, hindi ba? Ito kasi yung tipo ng tao na alam lahat ng loopholes. Alam kung paano mag-isip yung mga kalaban. Alam kung saan yung weakest point at kung saan ang strength ng team.

Kababae nitong tao pero lahat ng lalaki sa team namin ay napapasunod nito sa isang salita lang . Even Essex na masyadong mataas ang pride ay walang imik na sumusunod sa utos nito.

That's actually weird. Si Ember kasi ay hindi kayang utusan si Essex gayung kay Eris ay tumitiklop yung bunso nila. I was there to witness how dominating Eris can be.

Her strength, both mind and physical body is quite threatening. Something not everyone can possess.

Kaya sobrang nagtataka talaga ako na yung gaya nitong sobrang lohikal mag-isip ay naniniwala sa mga Zombies.

"I am starting to think na may chronic insomnia ka lang at ginagawa mo lang rason yung mga Zombies para pagtakpan yang sakit mo." I already take the initiative to sit comfortably on her couch. Hindi man lang talaga kasi ako nito inalok maupo.

Siguro I should just start feeling at home.

" Y'know, I don't really expect you to worry about them. For sure kung totoong magkakaroon ng Zombie apocalypse, lalagpasan ka lang nila." Kinuha nito yung mga luggages ko at binuhat patungo sa bahagyang nakaawang na pintuan. That must probably the room. "Follow me. Ayusin mo 'tong gamit mo. Wag kang pa-prinsesa."

Awtomatiko tuloy akong napatayo at napasunod dito.

"I do have a brain, stupid. Hindi lang ako kasing ewan mo na ang tanda tanda na pero naniniwala pa din sa mga bagay na imposibleng mangyari in the near future." Mabilis ko lang ito naabutan dahil dalawa o tatlong hakbang yata nito yung isang hakbang ko.

"Pea-sized brainer?" Eris insulted. She take a quick glance at me before motioning the full-sized closet. "Unpack your things."

Gumala yung tingin ko sa buong kwarto nito.

A typical luxurious room. Huge bed. Spacious one with large corner pillars. May city view na kitang kita sa labas lalo pa at nasa penthouse nga ito. Malaking flat screen TV na may malambot na couch sa harap niyon. Saka malaking fur tiger-print floor rug.

AeipathyWhere stories live. Discover now