Chapter 33: Secret Affair

Magsimula sa umpisa
                                    

Nakatitig siya sa pagkain niya at nilalaro ang fries niya. “I don’t know,” he said.

Siguro nga tama ang sinabi ni Piper kanina. Internal battle na lang ang nangyayari kay Warren. Ginawa na namin ang lahat ng pagpapaliwanag. Nasa sa kaniya na lang ngayon kung ano na ang gagawin niya.

***

Nate’s POV

Nasa may canteen kaming apat nila Hailey, Tamara at Piper nang mapansin ko na medyo tahimik sila. Kaya para makagawa kahit papaano ng ingay, sinubukan kong magjoke.

“May joke ako,” sabi ko at itinaas pa ang kamay ko na parang nagrerecite.

“Walang nagtatanong,” sagot naman ni Tamara.

Badtrip naman. Hindi ko pa man din nababato ‘yung joke ko barado na kaagad. Nasaan na naman ang hustisya?

“Bakit ba kasi ang tahimik niyo? Nakakainis na. Kulang na lang marinig ko ang mga kuliglig.”

“Imposible ‘yang sinasabi mo. Masyadong maingay ang mga nakapaligid sa ‘tin.”

Expression lang naman ‘yun. Hindi ba tumatanggap ng biro ang mga ‘to ngayon? Ang mga babae talaga sobrang gulo. Kunyari, kahapon masaya, ngayon malungkot, kinabukasan galit, sa susunod na araw masaya ulit. Gulo!

“May mga problema ba kayo?”

Naghintay ako nang naghintay nang naghintay pero walang sumagot ni isa sa kanila.

“Wala. Wala akong problema. Ang saya talagang kausap ng sarili ko. Wohoo. Yipee. Yehey!”

Kung anu-ano nang pagpapansin ang ginawa ko pero hindi pa rin ako pinapansin ng mga ‘to. Nagmumukha na ata akong tanga dito.

Tinanggal ko ang lahat ng pagkain na nasa tray ko at inilayo ng kaunti. Nang masigurong wala na ngang laman ‘yun ay kinuha ko ang tray at saka ibinagsak sa lamesa. Sa sobrang sakit sa tenga ng ginawa ko ay nakuha ko na rin ang atensyon ng tatlong babaeng kasama ko at may bonus pa. Pati ng ibang mga estudyante. Nginitian ko sila at kinawayan. Ang ibang ordinaries ay pasimpleng ngumiti sa akin samantalang napairap naman ang nerds at ang populars. Hindi naman ako pinansin ng jocks at rebels.

“Huwag ka ngang gumawa ng eksena,” suway sa akin ni Hailey.

“Kung pinansin niyo ako kanina palang, edi sana hindi ko ginawa ‘yun. Anong tingin niyo sa akin dito? Hangin?”

“Fine. Fine. Anong problema mo?”

Napakamot ako sa ulo ko. Medyo nakakafrustrate na ‘to ha. Partida na bihira akong mafrustrate na tao. Ako pa ngayon.

“Ayan nga ang kanina ko pa tinatanong sa inyo. Anong problema niyo?”

Wala na namang sumagot sa kanila. Maghihintayan lang ang mga ‘to kaya humarap na ako kay Hailey at tumango bilang signal na siya ang unang sasagot sa tanong ko.

Napabuntong hininga siya, “Narealize ko lang na.. it’s not the same without Warren. Mahirap din kasi na maipakita sa kaniya na masaya tayo kahit wala siya.”

The Trouble with the RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon