Chapter 9

16 2 0
                                    

[Wendy]

Tatlong buwan ang nakalipas, wala nang Kumiko ang nagpakita sa akin rito sa school. Matapos kasi nung nangyari sa resort na iyon, nilisan ko ang lugar kung saan nanatili siyang nakatayo at lumuluha. Pareho kaming nagka-sakitan, nasaktan at higit sa lahat masakit rito sa loob ko nang hindi ko man lang nasasabi sa kaniya ang tunay kong nararamdaman.

I think it's all over.

He's gone. And he left without trace of him.

Kahit ang mga kaibigan niya ay hinahanap siya. Nawalan na nga sila ng isa pa'ng kaibigan, ngayon naman si Kumiko ang nawawala. They even tried to search for him and Prince who left also because of that girl named Camille.

Nandito ako sa Library matapos ang klase namin kanina sa geometry. Fourth year high school na ako ngayon and yet, nasa ibang lupalop ng kawalan pumupunta ang utak ko. Hindi ko pinapansin ang mga matang nasa paligid ko bagkus ginagawa na lang silang motivation para makapagtapos ako ng pag-aaral despite sa ginagawa nila sa akin. Okay lang na mapag-mata sila at kung anu-ano ang sasabihin nila, wala namang kaso sa akin iyon e. Ang hindi lang okay ay 'yung bu-bullyhin nila ako physically.

Ang mga paalala ni tatay ang nagsisilbi kong inspirasyon kahit hadlang ang iba sa kung anong gusto kong gawin rito.

"Oh~ the cheap girl is here," anang pamilyar na boses. Biglang dumaan ang grupo nila Stacey dito sa harapan ko at siya mismo ang nagsabi nun. Nagtawanan naman ang mga alipores niya dahil sinabayan siya nito sa pagtawa.

Hindi ako kumibo. Niligpit ko ang aking mga gamit dahil nawalan na ako ng ganang manatili rito. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakatayo, suminghap ako at nagulat dahil sa ginawa niya. Nanubig ang dalawang gilid ng aking mga mata pagkatapos tapunan ni Stacey ang mga libro ko nang hawak niyang orange juice.

"Stacey, tama na iyan. Baka may makakita sa ginawa mo at isumbong ka-"

Naputol ang sinasabi ni Aileen nang biglang sumigaw si Stacey at 'tsaka bumaling siya sa akin ng masamang tingin, nanlilisik ito. "Shut up!" hinarap pa muna nito si Aileen, pagkatapos sa akin pabalik. "Dahil sa 'yo kaya nawawala si Kumiko! And you'd think that I would look sitting pretty without getting any revenge from what you've done, huh, Wendy!?" Sabi niya habang tinutulak-tulak ako hanggang kalaunan ay napaupo na sa malamig na semento ng library.

Wala nino man ang nagbulontaryo na tulungan ako dahil natatakot rin sila kay Stacey.  

Tiningnan ko siya ng masama at tatayo na sana nang ang isa sa mga alipores niya ay hinawakan ang baba ko at dahan-dahang lumalapit sa akin si Stacey, pero napahigit ako dahil nakahawak na sa akin ang iba pa nilang kasama para hindi ako makawala. Nanlilisik ang mata niya sa kakatitig pero kalaunan, ngumiti siya ng mala-demonyo at hinawakan ng mahigpit ang baso ng natitirang orange juice saka niya ito ibinuhos sa ulo ko.

Rinig na rinig ko ang singhapan ng mga nakasaksi lalo na ang head librarian. Ngayon ay nakatayo na ito at papalapit sa puwesto namin kaya lang ay naunahan na siya ng isang lalaki'ng hindi ko naman kilala.

"What did you to her!? Hindi mo ba alam na puwede kang matanggal rito dahil sa mga violences na ginagawa mo?!" galit na asik nito kay Stacey.

"So, may nagtatanggol na pala sa kaniyang isang stranger? Dati-rati, si Kumiko lang ang nagtatanggol sa babaeng 'to noon, e. Ang landi-landi mo talaga!" Sumbat sa akin nito.

"Hindi ako malandi! Kung may malandi ma'ng nakatayo rito, alam ng lahat kung sino iyon!" I said that strongly enough to show it to other people despite of my broken voice.

Nakasalampak pa rin ako rito sa sahig matapos kong sabihin iyon. Nagsisimula namang magbulungan ang mga taong narito.

Kaya lang na imbes ako ang naisipan nilang pagbubulungan, si Stacey ang topic nila ngayon. Hindi siya makapaniwalang tiningnan ang paligid habang nakaawang ang bibig sa gulat. What happened now? Bakit ang bilis naman yata nilang magbago? Dahil lang ba sa sinabi ko?

Desperate To Love You (COMPLETED)✔️Where stories live. Discover now