Chapter 2

30 2 0
                                    

[Wendy]

"Lalala...lalala~" Pakanta-kanta ko sa mahinang boses habang nakahalumbaba sa ibabaw ng aking desk.

Paano ba naman kasi, napaka-boring magturo ng filipino teacher namin.

Napatunghay ako dahil naramdaman ko ang ginagawang pagsiko ni Aileen sa aking tagiliran. Magkatabi lang kasi kami ng upuan, kaya kinunutan ko siya ng noo nang bigla siyang lumapit sa tenga ko at may binulong. "Wendy? Tumingin ka nga ro'n sa labas nitong room natin. Kanina ko pa kasi siya napapansin na may minamasid rito e, hindi ko lang alam kung sino." Anito sa mahinang boses.

Dahil hindi naman kami masyadong pansin rito ng teacher namin kasi nasa pinaka-likuran kami nakaupo.

Tumingin ako sa labas at sa tinutukoy niya. Tinuro niya ang isang lalaki na nakahilig ang likuran sa barandilya ng hallway. Tumaas ang aking kilay nang magkasalubong ang paningin namin nung lalaking nagmamay-ari ng bag at laptop na inakala ko kung kanino 'yon, sa kaniya lang pala.

Ano kaya ang ginagawa niya dito? Hindi naman dito ang classroom niya a? Nakakapagtaka naman.

He smirked at me.

Aba't! Napaka-simpatiko naman ng kumag na 'yon!

Kumag na hapon! Halata naman sa itsura niya na may lahi itong hapon.

E, ano naman ang pake ko?

Sinamaan ko siya ng tingin na ikinatawa niya. Kitang-kita ko mula rito ang pagtawa niya kahit hindi ko naman rinig 'yon habang naglalakad paalis sa tapat ng classroom namin.

Namumula at nanggigigil na ako sa inis!

Dahil sa lalaking 'yon, nawala na tuloy ako sa pakikinig. Kahit ang boring makinig sa tinuturo ng teacher namin sa harapan.

Nagsulat na lang ako sa pinapa-bring home assignment nito sa amin at saktong tumunog ang bell. Dismissal na rin sa wakas!

"Anong kakainin mo?" Tanong ni Aileen.

Nag-isip pa muna ako bago siya sinagot. "Siguro lumpia ulit 'yung uulamin ko," sabi ko habang naka-pout. Natawa siya ng mahina na ikina-simangot ko.

Patapos na siya sa pagliligpit ng mga gamit niya nung tinanong niya ako ng ganyan. Buti pa siya, ako kasi ngayon lang naisipan na ligpitin ang nakakalat na ilang notes at libro sa itaas at ibaba ng desk ko.

Sinabihan ko siyang hintayin ako saglit kasi malapit na akong matapos sa pagliligpit. Umo-o naman siya.

Pagtayo ko ay bigla akong napahawak sa may puson ko banda at pinipigilan na huwag lumabas ang hindi dapat lumabas!

"Aileen, samahan mo muna ako saglit sa banyo. Na-iihi ako e," rason ko.

"Kaya pala naging weird ka bigla diyan. Sige!" Masiglang anito.

Lumabas kaming dalawa at masayang nagtungo sa banyo ilang kilometro lang ang layo sa classroom namin. In short, nasa pinaka-dulo pa 'yon katabi lang ng hagdan.

Ilang saglit pa ay narating namin ang banyo. Habang nagku-kuwentuhan ay may nabangga si Aileen na grupo ng mga babaeng studyante rin rito sa Brentson at masama ang titig nila sa kaibigan ko.

"You should say your apology to Stacey, Missy." Sabi ng alipores nitong nakabangga ni Aileen.

Nakayuko lang ang ulo ni Aileen at malapit ng iiyak nang sumingit ako sa kanila. "Miss, hindi naman niya kasalanan ang banggain ka. Kung mamasumahin ay may kasalanan ka kasi ikaw 'yung hindi tumitingin sa dinaraanan mo, hindi kami." Paliwanag ko sa maayos at mahinhin na paraan.

Desperate To Love You (COMPLETED)✔️Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang