Chapter 7

15 2 0
                                    

[Wendy]

Matapos ang nangyaring iyon ay hindi na nga ako pinapansin ni Kumiko at hindi na rin siya pumupunta sa building namin para kulitin ako. Ngayon naman ay walang Aileen ang sinasamahan ako palagi kapag lumalabas ng classroom at tutungo sa cafeteria para bumili ng makakain namin.

All of that was vanished into the air after our semestral break has ended. Hindi ko maiwasang malungkot dahil ang nag-iisang bestfriend ko, ay pinagsinungalingan pa ako. Iniwan niya na rin ako sa ere, e.

Nandito ako ngayon sa field at nagpapahangin. Pagkatapos ko kasing kainin ang binili kong burger kanina sa cafeteria ay lumabas kaagad ako, dahil ang mata ng bawat studyanteng naroon, sa akin nakatuon.

Ininom ko ang kalamansi juice na nasa damuhan at inubos iyon. Masyadong mainit sa buong paligid pero dahil nasa likuran ko ang malalagong tanim na halaman ng sunflower ay naliliman ako nito.

Humiga ako pagkatapos ubusin ang juice at dinadama ang hangin na humahampas sa aking balat kasabay ang init na nanunuot rin dito.

I stared the sky above me. The clouds seems giving a temporary shade and at the same time it came pass me by. Napabuntong hininga ako. Ngayong wala na akong kakampi, anong mangyayari sa akin dito? Ang sakit ng ginawa ni Aileen sa akin. Akala ko tuloy-tuloy na ang turingan namin na mag bestfriend kami pero inakala ko lang pala iyon.

Hindi ko naisip na maaari rin niya pala akong iwan at sumama sa ibang tao na silang nangbully sa amin noon. It breaks my heart how that day I saw them barging inside the cafeteria where I was doing my part time job.

Nagkumpulan silang apat nang time na iyon at saktong ako ang nakatokang kumuha sa order nila. Pinahirapan pa ako ng Stacey na iyon at kung anu-ano ang in-order nila.

Iniling ko na lang ang aking ulo dahil isipin na iyon. Up until now, ay walang Aileen ang lumapit sa akin para mag explain kung bakit na siya kumakampi ngayon sa mga taong nambully sa amin.

Nasubunot ko ang mga damu sa gilid habang nakahiga pa rin dito sa field. Pinikit ko ang aking mga mata pero ganoon na lang ang aking pagkagulat nang may maramdaman akong tumabi sa akin dito, nakaupo.

I open my eyes and saw his face staring the soccer field. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko naman inaakala na lalapitan pa niya ako pagkatapos nang ginawa kong pagtaboy sa kaniya.

"Congrats nga pala," panimula nito. Tiningnan ko siya nang may pagtataka.

"Anong congrats? Akala ko iyon na ang huling beses na lalapitan mo ako? Bakit parang nag-iba naman yata ang isip mo?" sunod-sunod kong tanong rito.

"Dahil nasa deans lister pa rin ang pangalan mo. By the way, hindi ka na ba galit sa akin?" His question got caught me off guard.

Nag-iwas ako ng tingin pero agad naman niya itong hinuli kaya nagtama ang paningin namin sa ikalawang pagkakataon.

"No'ng una, oo nagalit ako. Pero hindi ako katulad ng ibang tao na hindi marunong magpatawad-"

"Pero patatawarin mo rin ba ang kaibigan mo, dahil sa pang-iwan niya sa 'yo?" Bakit pati iyon ay alam niya?

"You're silently stalking me huh," I trailed off.

"Kapansin-pansin kasi kahit tinitingnan lang kita sa malayo. That's why I had to decide to keep an eye on you even if I am afar from you."

Kaya naman pala no'ng pagkatapos ng sembreak ay palagi kong napapansin nap para ba'ng may isang pares ng mata ang nakasunod sa akin kahit saan man ako magpunta.

"May tanong ako," sabi niya sa malumanay na boses.

"Ano naman iyon?" ako.

"Bakit nagkakaroon ng iba't ibang uri ng disenyo ang mga ulap sa langit? Like for examples: an animals, flowers, or even people have also had a design like they were intentionally created to see the beauty in it?" Mahabang paliwanag niya na hindi ko naman nasabayan or na gets man lang.

Desperate To Love You (COMPLETED)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon