Chapter 6

19 2 0
                                    

[Wendy]

"Anak, ba't nakabihis ka? 'di ba weekend ngayon?" Puna ni nanay sa akin nang makita niya akong pababa patungo sa sala namin.

Kinuha ko kasi ang sapatos na nasa likod ng aming pintuan at sinuot ko iyon. Bumaling ako kay nanay pagkatapos ay binati siya.

"E kasi 'nay, may usapan kasi kami ni Kumiko na mag-p-practice ngayon ng sayaw para sa darating ng foundation week kaya pupunta po ako ng school." Rason ko kay nanay.

May sumilay na kakaibang ngiti sa labi ni nanay pagkatapos marinig ang pangalan ni Kumiko. "Tapatin mo nga ako, anak. Iyang si Kumiko ba ay nililigawan ka? Bagay kasi kayo," panggatong ni nanay sa akin dahilan para kiligin siya.

"Si nanay talaga! May asawa't anak na nga ay ngayon mo pa nakuhang kiligin. Seryoso po kayo? Tss!" ani ko at napasimangot ang mukha.

Sinusundot-sundot pa niya ang tagiliran ko.

"Dalaga ka na talaga anak, ang bilis ng panahon. Dati henehele ka lang namin ng tatay mo, pero ngayon. . .mukhang magkakaroon na yata kami ng maaga na instant manugang."

"Si nanay talaga! May ulam na po ba tayo? Sabay na po tayong kumain 'nay," pag-aya ko kay nanay na pumuntang kusina para makakain ng agahan.

Wow!

"Corned beef, bacon at sinangag! Salamat po dahil niluto niyo ang mga paborito kong pang-agahan 'nay," sabi ko at hinalikan ang pisngi niya. Ngumiti siya sa akin at nagsimula nang kumain.

Ilang saglit pa ay natapos rin kami at hinugasan ko muna ang mga pinggan na pinagkainan kahit sinusuway ako ni nanay na siya ang maghuhugas nun, pero in-insist ko talaga ang sarili na ako ang maghuhugas.

"Nay? Aalis na po ako a!" paalam ko kay nanay.

"Sige anak, mamaya pa naman ako aalis para pumuntang palengke e. Mag-iingat ka ha," sagot nito habang nasa loob siya ng kuwarto nila ni tatay.

"Opo, 'nay!" sigaw ko.

Lumabas na ako kaagad ng bahay at gate namin para maglakad papuntang kanto, nag-aabang ng tricycle. Habang naghihintay ay nilabas ko ang cellphone na may crack ang screen at sinilip kung may text ba galing kay Kumiko. Pero nadismaya lang ako nang wala man lang siyang text na pinadala sa akin.

Saktong pag-angat ko ng tingin ay may tricycle na huminto at sinabing sa sakayan ng jeep ang tungo ko. Agad naman nag-drive sa manong driver. Pagbaba ko ay binayaran na kaagad ang pamasahe para hindi ko makalimotan. Naghintay pa ako ng ilang minuto para mag-abang ng jeep at sa kabutihang palad, may huminto naman sa tapat ko.

Kaya lang punuan na masyado!

Akala ko kung weekend ay wala masyadong tao ang sumasakay sa jeep?

"O! Usog lang kayo ng konti. Meron pa'ng isa dito miss," sabi ng konduktor sa labas ng jeep na sumasabit dahil iyon ang ginagawa nila.

"Sige kuya, salamat po!" sagot ko.

Sumakay na rin ako.

Ilang minuto pa ay narating ko na ang Brentson Academy. Nagtaka ang guard sa akin at tinanong ako kung anong ginagawa ko rito, nagdahilan ma lang ako at sinabi ang rason kung bakit ako nagpunta rito.

"Si Kumiko po kasi, inaya ako na dito na lang raw po kami mag-practice ng sayaw para sa foundation week." Saad ko na lang.

Nauunawaang tumatango sa akin ang guard at pinapasok na sa loob ng school. Akala ko nga kanina, ay ipapakita ko pa ang school ID ko pero hindi na pala kailangan.

"Hihintayin ko na nga lang siya sa theatre room," ani ko habang panay naman ang tingin sa screen ng aking cellphone.

Binabaybay ko rin ang daan patungo sa pupuntahan para magpalipas ng oras sa paghihintay ng lalaking iyon.

Desperate To Love You (COMPLETED)✔️Kde žijí příběhy. Začni objevovat