Chapter 3

26 2 0
                                    

[Wendy]

Kinabukasan, kinuwento ko kay Aileen ang nangyari sa akin sa bahay at ang tungkol sa bento box na 'yon.

Maaga pa naman kaya habang naglalakad kami ay na curious siyang malaman kung sino ang nag-iwan nun doon sa labas ng aming bahay.

"Hindi kaya secret admirer mo 'yon? Nagdududa ako e, sa isang tao." Taka ko siyang tiningnan.

Napakamot ako sa aking ulo at nag pout. "Wala naman akong kakilala na mga lalaki dito, kaya imposible 'yang sinasabi mong secret admirer ko no." Dahilan ko.

'Tsaka totoo naman ang sinabi ko sa kaniya. Ni hindi nga ako kagandahan tapos sasabihin niya pa na may secret admirer ako, agad-agad?

"Pero sino naman ang pinagdududahan mo? Kasi as far as I remembered, hindi ako mahilig makipaghalubilo sa mga lalaki rito sa school. Wala talaga e," wika ko.

Inismiran niya lang ako at nirolyo ang mga mata sa akin, bago muling nagsalita. "Wala ka talagang napapansin?"

Ako na umiiling, "Oo nga!" pinaningkitan ko siya ng aking mata at nagsimula nang maglakad muli patungo sa classroom namin.

Wala rin naman kasi akong natatandaan na may in-order ako kahapon na pagkain, e. Napakamot na lang tuloy ako sa aking pisngi.

Pagkaakyat namin sa building ng hallway kung nasaan ang aming classroom, nakarinig kami ni Aileen na mga sigawan sa tapat ng room namin. Nagkatinginan kami at parehong nagtataka. Mukhang may dinudumog yata ang mga school mates namin at halos mga babae pa ang nagsisigawan roon. Inis na inis kong binalingan ang mga nagkalat sa aming harapan at lilihis na sana ng daan nang may tumawag sa akin dahilan para matigil sa kakatili ang mga babae rito.

Hindi ako huminto at tuloy-tuloy lang kaming naglalakad dahil baka ibang Wendy ang tinatawag nila-

"Wendy Jovian Asistio Maldevar!" Instantly, that made me stopped from walking. Napaharap ako ng wala sa oras dahil sa gulat at nakita ang lalaking ginulat ako do'n sa botanical garden. Hindi ko siya kilala pero kilala niya ako?

Sakto nung nakalabas na kami sa mga nagkukumpulan kanina ay biglang humawi ang mga studyante dahil dumaan ito sa harapan nila, hindi ko inaakalang makikita ko siya rito sa building namin. Mapapansin naman ang suot nitong naka-uniform ng mga fourth year high school. Black coat siya na nakabukas ang isang butones pero kita naman ang puting nakapaloob sa ilalim ng kaniyang coat. Dark Blue naman ang kulay ng kanilang slacks na naka-tuck in ang pang-itaas nito doon. Manly cut ang buhok, hazel nut ang kulay na mga mata ngunit nakadagdag sa asset niya ang kaniyang mga mata na singkit, maputi ang balat, matangos at maliit ang kaniyang ilong, at hugis puso na labi. Pero ang nakakapagtaka, ba't siya nandito?

"Girl? 'Di ba si Kumiko 'yan?" Bulong ni Alieen sa tabi ko.

Hindi man lang ako nakapag-react sa binulong niya sa akin dahil naging pre-occupied ang utak ko. Paano niya nalaman ang buo at tunay kong pangalan?

Napapikit-pikit ako sa biglaan niyang paglapit habang may malaking ngiti ang nakapaskil sa labi nito. Malapit na malapit ang mukha niya sa akin at kulang na lang ay mahalikan niya ako.

"Anong kailangan mo?" bungad kong tanong sabay tulak sa kaniya ng bahagya.

The audience on our surroundings has started to gossips now. Kung ano naman ang kailangan ng lalaking 'to, ay hindi ko nagugustuhan.

Tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi siya nagsasalita, instead ay nakatitig lang siya sa akin. Kumunot ang kaniyang noo pero naroon pa rin ang ngiting pinapakita niya kanina pa.

Bumuntong hininga ako, "Kung wala kang sasabihin ay maaari na ba kaming umalis?" Ani ko.

"Did you recieved the bento box?" Namilog ang mga mata ko nang marinig iyon. Hindi man lang niya sinagot ang tanong ko.

Desperate To Love You (COMPLETED)✔️Where stories live. Discover now