Chapter 20

5.4K 195 32
                                    

Rapmon's POV

*rings*

Hmmm... Sino ba yang tumatawag? Masarap pang matulog eh.

Tinignan ko kung anong oras at nakita kong 6:00 am palang. Ay oo, wala pa pala kaming pasok ngayon.

*rings*

Ay sino ba kasi yang tumatawag!?? Istorbo eh...

Wala akong choice kaya kinuha ko yung phone ko sa bedside table ko. Oh! Si Aut pala! Eh bakit napatawag toh?

"Hello?" sabi ko.

"Hoi!!! Nakailang ring na ah bakit ang tagal mong sagutin!?" Ano ba naman yan! Sinagot ko ng mahinahon eh! Bastos nitong isang toh -_____-

"Chill ka nga lang! Ang aga aga pa eh, nambubulabog ka. Ano bang kailangan mo?" Tanong ko.

"Birthday ngayon ni Chanwoo gago!!! Pumunta ka dito! Hindi ko magising sila Kookie kaninang 5:30 pako tawag ng tawag sa kanila lalo na yung baklang Alien na yun! Ayaw sagutin!!!" Nakoooowww HB nga sya ngayon. Haha ayaw nya pa naman ng pinaghihintay masyado minsan haha.

"Oo na oo na!! So meaning pupunta tayo maya sa Nashville?"

"Ay hinde! Kaya nga tinawagan kita ng ganito kaaga para hindi tayo makapag-handa sa gagawin nating surprise party" hindi sya sarcastic pramis.

Kung sabagay, di pa pala alam ni Chanwoo na dumating ang asawa nya daw kuno na si Autumn haha asa sya! Fanboy masyado ang loko haha XD

Si Chanwoo ba kilala niyo? Aba! Matalinong bata yun ^___^

Proud na proud si Autumn sa kanya. Nakakaawa nga yung batang yun eh. Biktima yun ng pambubully sa school nung mga bata pa kami. Binubugbog na nga sa school, pati pa sa bahay nila. Yung daddy nya kasi eh. Yung mommy nya naman, walang magawa dahil binubugbog din.

Matagal na naming kakilala si Chanwoo. Mga nasa grade 9 na sya ngayon. Eh kami 11 tas si Aut at Sapph, 12. Yun ang nagsisilbing dongsaeng ni Autumn. Malapit sya samin pero pinakamalapit sya kay Autumn. Kaya sobrang umiyak siya noong umalis papuntang U.S yang maknae namin.

Ngayon okay na si Chanwoo. At sa tulong yun ni Aut. Kinasuhan niya yung daddy nya or stepdad. Patay na kasi yung real dad niya. May kaya naman sila Chanwoo pero naghirap sila noong nag-asawa ulit yung mom nya. Pero good thing dahil nakulong na yung walanghiyang lalaking iyon at okay na ulit silang mag-nanay.

Si Autumn din ang nagbigay ng negosyo at scholarship para sa kanya. At galing yun sa sarili nyang pera. Hindi yan alam ng mga parents nya. Yung scholarship lang. Matalinong bata yang si Chanwoo, laging sinasali sa contests at lagi ring Top 1 at ginagalang narin sya ng mga tao. Wala ng nambubully sa kanya. Haha subukan lang nila, magkakaroon ng World War III.

Napaka-important nya para kay Aut eh! Every year on his birthday, laging may gift yan galing din kay Aut at I'm sure yun lahat ang dahilan kaya nagustuhan ni Chanwoo si Aut pero di nya yun alam. Accidentally lang naming nalaman yun nung nag-aaral pa kami sa Nashville nila Jin hyung.

Mabuti at malinis kasi ang kalooban nyang si Aut. Di lang yun napapansin ng iba. Oo, cold sya pero kung nakilala mo lang siguro talaga ang dating Dark Autumn Lee, you'll be mistaking her as an angel.

I'm sure, iiyak ng ocean yang si Chanwoo mamaya pag nakita nya na si Aut haha! 4 years din noh! Tsaka magugulat din sya sa transformation niya hahaha! Lalaki na si Aut ngayon haha.

"Hoi! Andyan ka pa ba!? Bakit di kana nagsasalita!? Sabi ko pumunta kana dito" sigaw niya.

"Ah-eh oo na oo na! Maliligo lang ako!!"

The Cold Princess Entered In An All Boys School?! || EXO × BTS • DISCONTINUEDWhere stories live. Discover now