Gusto ko sanang magpaliwanag sa lalaking tumututok sa akin ng baril. Kaya nga lang, baka matulad ako doon sa binaril nila siguro kaya nanahimik na lang ako. Sino ba kasi itong Lord K na ito? Hindi ko naman alam na mapanganib pala ang taong ito. Siguro matandang hukluban ito kaya galit sa mundo.


Bumukas ang pinto at iniluwa noon ang mga nakagapos na sina Jason at Ronald. Ibinato sila sa akin ng mga unipormadong itim na lalaki.


"J-Jayson, ano ito? Hindi ito ang usapan natin!" sabi ko sa kanya sa pagitan ng aking pag-iyak.


"'Wag kang matakot, babe. Makikiusap tayo kay Lord K..." alo nya sa akin kahit bakas sa mukha nya ang matinding takot.


Samantalang ako ay halos hindi na makahinga sa kaba. Hindi ako pwedeng mamatay rito. Magbabagong buhay pa ako. Mag-aaral pa akong mabuti, ga-graduate, magwo-work tapos swe-sweldo nang 15-30. Mararanasan ko pang magcontribute sa tax, Pag-ibig at Philhealth! Maipagmamalaki pa ako ng parents ko. Jusko, I can't die here! Wala pa akong ambag sa mundo! At hindi ko pa rin nakikita ang soulmate ko!


"Lord K!" sigaw naman ni Ronald. "Napag-utusan lang po ako! Wala po akong kinalaman dito!"


Bumukas ang pinto kung saan nanggaling ang ingay kanina. Napalunok ako nang mariin sa isiping dirty old man si Lord K. Baka mamaya ay mapag-trip-an nya pa akong pagsamantalahan. Eh, magpapakamatay na lang ako kapag ganoon!


Lumakas lalo ang kabog sa aking dibdib. Mukhang katapusan ko na nga talaga. Masakit mang aminin pero ang pagsisisi talaga ay palaging nasa huli. Sa mga rebeldeng kabataang katulad ko, nawa'y makakuha sana kayo ng aral sa akin.  


Mula sa bukas na pinto, isa-isang naglabasan doon ang ilang mga tauhan marahil ni Lord K.


Hanggang sa iluwa niyon ang isang matangkad na lalaki. Kahit may suot itong itim na masquerade ay kitang-kita ko ang asul nyang mga mata. Paniguradong kaya sya nakasuot ng ganito ay para itago ang mukha nya. Maganda ang kanyang kutis at matipuno ang kanyang pangangatawan. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang mapupula nyang mga labi bagamat natatakpan nga ng maskara ang kanyang mukha.


Napatanga ako sa kanya, at sa kauna-unahang pagkakataon ay humanga ako sa isang lalaki. Akala ko ay may sakit ako dahil hindi talaga ako nakakaramdam ng attraction, kaya pinilit ko ang sarili na sumubok makipagrelasyon. Para lang maging in at para lang din masabi na meron akong boyfriend. 


Si Jayson at ang ibang nanligaw sa akin ay mga guwapo rin naman, subalit iba ang taong ito na nasa aking harapan. Ang taong ito... Ngayon lamang ako nakakakita ng taong ganito. Parang hindi tao. Parang hindi totoo...


Para syang umiilaw sa paningin ko. Kahit may maskara ang mga mata ay walang makakapagsabi na hindi sya guwapo. Iyong guwapo na minsan lang sa buhay mo makikita. Kayhahaba ng kanyang pilikmata, kay ganda ng hugis ng ilong na may mataas na bridge, at ang mga labi, tila mansanas sa pula.


Siya ba si Lord K? Ang guwapo naman nya para maging leader ng mobster?


Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon