Ngiting-ngiti siya sa akin. "Wag kang mag-alala, babe. Safe itong raket na ito. Ipapahamak ba naman kita?"


Inihatid nila ako sa lobby ng condominium. Panay ang lingon ko sa kanila habang papasok ako sa loob. Pula ang carpet ng lobby at may mga ginituang pigurin sa paligid. Dumerecho agad ako sa receptionist na kinailangan ko pa nang maraming hakbang dala nang nakapakalawak kasi nitong lugar.


"Goodmorning, Ma'am. How can I help you?" bati sa akin ng unipormadong lalaki. Mukha syang Chinese kaysa Filipino. Napakalapad ng kanyang pagngiti sa akin.


Napalunok ako. Parang gusto kong umatras bigla. Nilingon ko sina Jason at Ronald na para bang nagchi-cheer pa sa akin mula sa labas ng glass door. Nang humarap muli ako sa receptionist ay napapikit ako. Mukhang napasubo na talaga ako.


"K-kay Lord K... please?"


"Please, wait here, Ma'am." Pagkuwan ay nag-dial sya sa intercom.


May sinabi sya sa kabilang linya na hindi ko marinig.


"Hinihintay ka na niya" Baling niya sa akin pagkatapos.


Bigla akong kinabahan. Ayoko na. Natatakot na talaga ako. Mamaya ay matandang pangit pala itong si Lord K at matipuhan pa ako! Gusto ko na lang umuwi.


Itinuro niya ako sa bumukas na elevator. Sinalubong ako ng mga lalaking nakaitim at malalaki ang mga katawan na kakalabas lang mula ron. Gusto ko sanang umatras at manakbo pero dahil nga sa malalapad sila ay madali nila akong nahablot.


Sinubukan kong pumalag pero W.E.!


Wa-Epek ang meaning.


Parang iyong mga napapanood ko lang sa TV, ganitong-ganito.


"Bitiwan nyo ako!" nagsisisigaw ako. Para lang akong isang bagahe na binitbit nila papasok sa elevator.


Takot na takot ako. Wala akong magawa kundi ang umiyak habang paakyat yata kami sa pinakamataas na floor. Ngayon nag-sink in sa maliit kong utak na hindi ito simpleng raket lang. Hindi pipitsuging ilegal na raket, kundi isang raket na delikado! Hayup na Jayson, isinubo ako sa peligro!


"Maawa po kayo... nautusan lang po ako..."


Wala lang silang imik na binuhat ako paglabas namin ng elevator. Pumasok kami sa kulay pulang pinto at inilapag nila ako sa sa isang pulang couch. Natahimik lang ako sa paghagulhol nang tutukan ako ng baril nitong isang lalaki.


Para akong tinakasan ng dugo. Iniisip ko na nga lang na bangungot ito na gusto ko ng bumangon sa pagkakahiga. Nangangatal ang aking mga labi at tigmak ng luha ang aking mga mata. Impit ang aking pag-iyak habang naglalayag ang aking paningin sa paligid.


Nagkalat ang dugo sa sahig.


Kamuntik na akong mapatalon nang makarinig ako ng pagsigaw sa loob ng isang kwarto sa di kalayuan sa pwesto ko. Nawala lang ang ingay na ito matapos tumunog ang sunud-sunod na pagputok ng baril.

Love Me HarderWhere stories live. Discover now