"Sya si Ronald, Ruby. And dealer natin." Pakilala ni Jayson sa lalaki.


Dealer? Bakit may dealer?


Sumeryoso ang mukha ni Ronald bago ito nagpatiuna.


Humugot ako nang malalim na paghinga habang pingmamasdan silang dalawa na papalayo sa akin.


Huminto kami sa isang mataas at matayog na gusali. Kahit hindi ko ito tingalain ay alam kong isa itong condo. Pang mayamang condo.


Matamang tumitig sa akin si Ronald. Lumapit sya sa akin at basta na lang inihagis sa mga braso ko ang attache case kaya wala akong nagawa kundi saluhin iyon.


Napapiksi ako sa ginawa nya. "W.T.H!"


Nangunot ang noo nito. "Ano raw?" kay Jason sya nakabaling.


Si Jason na ang sumagot. "What The Hell ang ibig sabihin non." Minsan ay kabisado na ng BF ko ang ibang linya ko.


Tumango naman si Ronald.


"Pasensiya ka na, pre. Sosyal kasi itong GF ko," bulong ni Jayson pero narinig ko. 


So kung pasosyal? Bawal? Hinawi ko ang ilang pirasong bangs na nalaglag sa noo ko saka ako sumimangot. Matapos lang talaga itong raket na ito, ibi-break ko na si Jayson at magbabagong buhay na ako. Try ko nang mag-aral mabuti at nang maka-graduate na. 


Hinila ako ni Jayson sa isang sulok.


"Sandali lang, 'pre." Paalam nya kay Ronald. Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat nang madala nya ako ilang hakbang ang layo sa lalaki. "Makinig ka, Ruby. Kapag nagawa natin ito, malaking pera ang makukuha natin... makakabayad ka na sa nanggigipit sa'yo sa inutang mong pera."


"A-ano bang gagawin ko this time?" Parang iba yata ito sa mga pinapagawa niya sakin dati na tagakuha lang ako ng payment.


Ganoon kasi ang unang ginawa ko, naging alalay ng isang loan shark na nagpapautang sa sugalan. Ano naman kaya ang ngayon? 


"Pupunta ka lang sa reception area sa loob ng condo at hahanapin mo si Lord K. Kapag bumaba sya, ibibigay mo ito sa kanya at hintayin mo ang ibabayad niya." Itinuro nya ang atache case na ewan kung ano ang laman. 


Lord K? Kaano-ano ni Alan K iyon?


"Hindi ba pwedeng ikaw na lang?" malambing na tanong ko sa kanya.


Hinagkan nya ako sa noo. "Kaya mo 'yan, babe. 'Andito lang kami sa labas."


Ayaw ko pang tanggapin pero ipinilit niya sa akin.


Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon