Chapter 45: mansanas

Magsimula sa umpisa
                                    

"oh ayan.. ano ba sasabihin mo?" umupo ako sa swing. Tapos siya naman umupo din. Parang kinakabahan siya na ewan eh.

"kasi...." kasi ano? "kasi...." luh? ano yan? paulit ulit? UNLI? tinaasan ko na lang siya ng kilay. "ahh kasi gusto ko lang mag sorry!!" hindi na siya maka tingin sakin.

"para san naman?"

"kung nasaktan man kita apple... promise hindi ko yun sinasadya.."

WOW HA? kung nasaktan? so hindi pa pala sure kung nasaktan niya talaga ako? MANHID LANG? hindi sinasadya? pero nung last time na nag usap kami.. may choice naman siya na pumili kung ako ba o si maureen pero mas pinili niya si maureen... ayun ba yung hindi sinasadya? hindi ko tuloy alam yung sasabihin ko.

"ok..." nakatingin lang ako sa harap, hindi ko siya hinaharap, manigas siya dyan!

"yun lang ba sasabihin mo?"

"oo bakit may problema?" ay ang sunget ko -___- hahah!!

"apple, pwede ba tayong bumalik sa dati? yung dating tayo..."

"kevin wala namang tayo..." wew na lang masasabi ko. HAHAH!! parang sa movie lang eh nuh? ang arte ko talaga. Napaka OA ko na ata, baka naman sabihin neto asssuming naman ako.

"i mean.. yung panahon na sobrang close tayo... yung masaya tayo kapag mag kasama tayo... yung araw araw tayong magkasama.. yung panahon na mahal natin yung isat isa..." bigla akong natigilan sa huling sinabi niya, yung panahon na mahal namin yung isat isa? wow as if naman minahal niya ko. Nairita na naman tuloy ako.

"alam mo kevin... walang ganun eh, oo minahal kita pero hindi naman dumating yung panahon na minahal mo din ako.. kaya pwede ba wag na tayong mag bolahan dito? hindi na tayo mababalik sa dati kahit ano pang gawin mo tandaan mo yan ok? at kung totoo man na mahal mo ako, layuan mo na ko please, hayaan mo na ko makapag move on? pwede ba yun?"

Nakatulala lang sya, siguro nagulat siya sa sinabi ko.

"apple... wag mo naman gawin to please..." bigla siyang lumuhod sa harap ko! OMG lang! ang dami pa namang tao sa park, ano ba ginagawa netong lalaki na to? baliw na din e, sige shabu pa -___-

"tumayo ka nga! leche naman kevin eh!"

"hindi ako tatayo dito hanggat hindi tayo nagiging ok.."

so anong akala niya? ganun lang ako kadali na bumigay? na mag papauto na lang ako agad sa kanya? ASA. hinding hindi ko na hahayaan na masaktan pa yung puso ko. wahaha!

"kahit lumuhod ka pa sa harap ko... kahit mag lupasay ka pa dyan... kahit may mangyari pa sayo dyan, hindi niyan mababago yung isip ko ok?" inirapan ko siya tapos umalis nako. Eh di lumuhod ka dyan! mag pakatanga ka, kulang pa nga yan sa pag papaka tanga ko sayo eh.

Naglakad na agad ako papalayo, actually tumatakbo na nga ako eh, gusto ko na umalis dun, mamaya kasi biglang mag bago isip ko, baliw din ako eh, mamaya biglang lumambot yung puso ko, i admit naman mahal ko pa din si kevin, syempre echos lang yun nuh. wahaha!! kelangan ko lang maging pusong bato.

Pagkauwi ko sa bahay pumunta agad ako sa kwarto. Hindi pa nga ko nakaka higa sa kama ko, aba narinig ko agad si tin sa labas ng bahay. Pinuntahan ko naman siya agad sa baba.

"hoy babae! uso mag paramdam ha!!" sabi niya sakin.

"hahah!! baliw ikaw nga dyan eh, nilamon ka na kasi ng pag ibig eh, yan tayo eh!"

I'm in Love with a DOTA Player (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon