Chapter 13

319 10 2
                                    

Ilang araw na din mula nung sagutan namin ni ser pero simula non wala na akong narinig na balita tungkol sa kaniya ni anino niya di ko makita. Di kaya patay na siya? gosh so morbid erase erase erase.

Since wala naman siya at wala rin akong magawa sa bahay na ito this is my time para pasukin ang mga ipinagbabawal na silid hihihi at dahil weekend ngayon meaning yes marites! walang pasok and di ko alam kung dapat ba ipagpasalamat na walang ibinigay na home task ang mga prof wala tuloy ako mapag kaabalahan, ayaw naman ako patulungin ni aling sabel sa kusina yung mga kasama niya naman ayaw ako patulungin sa paglilinis. Aba! hindi ko naman balak makihati sa sweldo nila kapag ka tumulong ako, bakit naman ganun hindi kaya sa tingin nila hindi ako marunong? huhuhu hindi naman ako pinalaki ni mama na batugan marunong naman ako sa gawaing bahay.

Huminto ako sa tapat ng isang wooden door. Time to execute my plan hehehe. Pinihit ko ang doorknob and yes marites hindi siya nakalock nasa atin ang swerte kaya pumasok na ako at sinarado ulit ang pinto. Mahirap na baka may makakita sakin mapagalitan pa ako.

Nilibot ko ang tingin sa buong silid. Para lang siyang isang mini office. 'Wala naman palang exciting na part dito'. Hindi naman ako pakialemera isa lang akong curious na nilalang kaya naman ni inspect ko ang mga furnitures at iba pang gamit infairness napaka linis walang bahid ng alikabok mahihiya ang mikrobiyo dito.

Lumapit ako sa table at umupo sa swivel chair. Ikot Ikot Ikot. Napakabrainy ng nag imbento ng upuan nato pagkabored ka or masakit na likod mo kauupo pwede ka magcircus circus. 'Wiiiih! Yiiiiee!'

May napansin ako na piece of paper sa mesa at dahil tayo ay ususera kinuha ko yon. May nakasulat. Mukhang part ito ng isang diary. Mabasa nga hihihi. Parang familiar sakin ang handwriting, Arial ba ito? de joke.  to be fair maganda siya ha pwede kaya ito idagdag sa microsoft word? Binibili ba ang writing style?

Day 13 Valerian the Mafia Boss

9:00 am - out in the house with black sedan, plate no. BXXX

10:00 am - Yacht in XXX City

10:15 am - Shoot out

'Ayy putol na, yun na yon? ano ba namang klaseng diary ito!? Yung title masyado namang proud sa sarili kala mo naman marangal tapos may oras pa. Ano ba ito? Diary o logbook?' Napatayo ako bigla at binalik ang papel sa dati nitong pinagkalalagyan ng bumukas ang pinto at niluwa ang taong ilang taon ko ng di nakita de joke.

'Ser! Anong ginagawa mo dito?' with my signature smile

'What? am I not allowed in my own house now?' ano ba yan hanggang ngayon may pms parin.

Lalabas na sana ako dahil ayoko malanghap ang negative energy niya

'What are you doing here?' gusto ko rin sana siyang supalpalin kaso di ko pala ito bahay.

'Ah....eh..... i o u are the vowels while the consonants are -' napahilamos naman siya ng mukha tanda ng pagkastress.

'Please...I haven't gotten proper sleep just bring me coffee' halata nga. Mukha na siyang pinsan ng panda. Saan ba siya nagparty party at mukhang antok na antok at pagod na pagod siya.

Dahil hindi naman kalakihan itong mini office niya nakita ko agad ang corner kung nasaan ang mga kape, pantry ata ang tawag dito. Samin kasi cabinet or drawer lang ang lagayan ng mga powdered drinks, kape, biscuit at konting chichirya.

Nang matapos ako magtimpla ay binigay ko na kay ser na sa ngayon ay nakasalampak na sa swivel chair. 'Oh inumin mo na' pagmulat niya ng mata ay parang pinana ni kupido ang puso ko de joke nagsalubong nanaman ang kilay niya at mukhang  mga ungrateful words ang lalabas sa bibig niya.

'I said Coffee' may diin niyang sabi.

'Sabi mo rin wala ka pang tulog kaya eto pinagtimpla kita ng gatas inumin mo na' kulang na lang ipagtulakan ko sa kaniya ang baso nagdadalawang isip pa kasi kung kukunin niya ba o hindi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Meeting the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon