Chapter 10

595 16 1
                                    

Nagising ako na masakit ang buong katawan. Nakasalampak pala ako sa sahig kaya naman para akong binugbog at mukhang takot sila sa powers ko marites dahil may gapos pa ang mga kamay ko.

'You're awake' napatingin ako sa kanan kung saan nagmula ang tinig at di nga ako nagkamali si ser nga iyon.

'Ser!' nakagapos ang kamay niya sa isang pole at panay ang kalikot sa tali. Ba't di kaya siya umupo? ako ang nangangawit sa kaniya ha.

'Shh tone down' ay quiet daw. Ilang oras na kaya kami nandito? Mukhang nangangawit na si ser katatayo tapos nakatali pa buti na lang ako nandito sa lapag hehe.

'Nasan ba tayo ser?' sinamaan niya ako ng ringin. Bakeet? ano na namang problema niya?

'Like hell I know!?' pakahighblood naman nagtatanong lang eh.

'hmph' iningusan ko nga paka arte.

'Damn those three, this was not part of the plan' he cursed silently pero dahil mala bfg ang hearing sense ko narinig ko yun. Sino kaya yung three and what plan? Di kaya nag operate nanaman sila ng product testing without informing me!? Naku! malaman ko lang talaga hmp!

Hindi ko alam kung umaga na kasi wala namang orasan dito. Mukha kaming nasa storage room na ewan. Madumi, mainit at tanging liwanag ng isang lightbulb ang tanglaw namin.

Hindi kaya?! oh nooo!

Ito na nga ba ang sinasabi ko eh! Ito ang kinatatakutan ko!

Nakidnap kami! May pabody guard pa kasing punishment na kaartehan ayan tuloy natarget kami ng mga kidnapper. Nasaan nga ba si buddy G at di man lang ako nisave. Waaah hindi nga pala siya sumama!! Kung kelan kailangan saka naman wala!

Bumukas ang pintuan at pumasok ang isang pedring na pangisi ngisi habang may nilalarong baril sa kanang kamay. Hindi ito ang oras para maging judgmental pero sa gwapo niyang yan talagang pagiging kidnapper ang pinasok niya ha?! wala ba siyang academic skills and achievements to land a decent a job o sadyang tamad lang siya? This is why education, knowledge is power mga marites and pedring!

'It seems like you lost your touch Valerian' ohh english din. sossy!

'tss don't get ahead of yourself brat' ramdam ko ang lamig sa boses ni ser, malamig pa sa sementong kinauupuan ko.

'Hello Mrs. Montage, its nice to 'personally' meet you' I sense danger in his smile. Hindi ako sumagot instead tiningnan ko lang siya trying to read his actions. Pano niya ako nakilala? Hindi kaya matagal na nila akong minamanmanan at ngayon lang sila umatake kasi di ko kasama si buddy G?! So unfair! Impossible naman na famous ako duh hindi naman ako artista.

Humila siya ng upuan at pumwesto sa harapan ko. 'Oh tingin tingin mo diyan?' alam kong maganda ako marites pero di niya ako kailangan titigan ng ganyan, ansabe!

'Do you know why you're here?' sa totoo lang hindi ko alam.

'Bakit alam mo ba ang reason? Feel free to share' he smirk, aba nakakagwapo ba kapag gumaganyan?! grrr

'It's because that guy married you' tinuro niya si ser. Ano naman ngayon?

'You see our man here never involves women in his life not until...... you came' dapat na ba akong kiligin marites?

'so?...' anong point niya? di ba pwedeng choosy si ser?

'That means all the troubles that you've encountered is because of this guy, you're a mafia boss's  wife after all' putting aside his smirking face, may point siya. Does that mean ser married me for this purpose. A bait for a wife? well, hindi naman na nakakagulat yon ang alam ko this marriage happens because of 'that' night.

Meeting the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon