Chapter 12

532 24 14
                                    

'Bakit ka naman nagpunta sa bahay? di ko pa naman birthday'

Kung birthday ko man, hindi ko naman ugaling magcelebrate at mag invite. Pansamantalang kaligayahan na lulukob sa aking kamalayan ngunit sa pangwakas ay aking kahaharapin mga masebong hugasin. Birthday celebrant na nga ako pero ako pa yung paghuhugasin pagkatapos abay wag na lang noh. grrr

'Bawal ka na ba bisitahin?'

'May sakit ba ako? Hindi naman ako preso, hindi moko kailangang bisitahin hehehe'

'Hi~'

*riiiiing

'Ay malalate na tayo! mamaya na ang chismis'

takbooo. whoo literal na save by the bell!

*sa classroom

'Na gangbang ka ba?' ang bunganga talaga neto ni vi halatang di nalinis. ang dumi ng nilalabas.

'Ha!?' dapat ko na ata siyang regaluhan ng toothbrush. Dadaan narin siguro ako sa simbahan, hingi ako ng holy water pang cleanse ng bunganga niya.

'Tingnan mo itsura mo, para kang dinaanan ng dilubyo' nicheck ko naman ang itsura ko sa compact mirror and check pwede na lumipat sa ulo ko ang ibon na nasa logo nang nestle.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng buhok ko na nag kabuhol buhol ng pumasok na ang first prof namin for the day.

'Take your seat friends' matic naman na bumalik sa kani kaniyang upuan ang mga blockmates ko

'Goodmorning sir!'

'Goodmorning, now where did we ended up last meeting?'

'enebe sher di ka pa nga nanliligaw may end ka ng nalalaman.'

kailan pa nagka epilepsy itong si marites? naempacho ba siya? para siyang uod na binuhusan ng maalat na tubig.

'I see we have a volunteer ms. pascual please refresh our minds of the previous discussion'

nagtawanan ang buong klase dahil sa remark ni sir at sa mukha ni marites na parang pinagsakluban ng langit at lupa.

'Sir naman eh huhuhu'

wag kasi maingay marites kung di naka memo plus hihihi

Kapag time namin kay sir Manabat parang ang bilis ng oras. Hindi ka mabobore sa klase niya magaling siya magturo at may sense of humor. Yun bang calculus yung subject niya na halos isumpa na ng lahat nang students pero pag siya ang nagtuturo aakalain mong gmrc yung subject.

'Okay we'll end our discussion here, See you next meeting don't forget to take a breather friends, see you.' nililigpit na ni sir yung gamit niya ng lumapit si ms. pascual sa teachers table.

'Sir! happy teachers day po hihihi'
sabay abot ng red gift box with a pretty ribbon on top.

'Thank you ms. pascual but you didn't have to' may ngiti sa labi na inabot ni sir ang gift. Ang sarap siguro sa pakiramdam bilang isang guro na may nakakaappreciate ng efforts and passion mo sa pagturo.

'Pero alam mo ba sir na mas happy ako makita ka lang yiieee enebe' para namang kinukurot ang singit neto kung makatili

'Wala namang pumapalo sayo Maizy wag kang ano diyan' supalpal sa kaniya ng kaibigan niya.

'Manahimik ka epal na toh' minsan talaga itong mga kaibigan natin ang sumusuporta at kontrabida sa buhay hihihi

'I'm flattered ms. Pascual, mag-aral kayo ng mabuti at ng makapasa kayo this year.

'Oo naman po sir.......eh sa puso mo pasado ba?'

grabe!! kinikilabutan ako sayo marites. Hindi ako magtataka kahit tanghaling tapat eh tamaan siya ng kidlat. Mukhang hindi na tatalab ang pagmumog dito, kailangan na ata neto ibabad sa holy water tsk tsk.

Meeting the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon