Chapter 7

657 16 0
                                    

Nakabusangot ako habang papasok ng school. Pano ba naman may nakabuntot sa akin na body guard. Para saan naman to? Ito ba yung punishment na sinasabi niya? Pinagtitinginan tuloy ako ng mga students baka isipin nila mayaman ako baka utangan pa nila ako chosss.

'Alex!!!'

'Vi, good morning' matamlay na bati ko.

'Sure ka? Mukha kang dried fish. anyare sayo te?'

Lumingon ako at nginuso sa kanya ang body guard na kasama ko. Napa 'o' naman siya.

'Anong arte yan? Anak ka ba ng politician at may pa security?'

'haay' bago ako umalis nang bahay ni ser eh hinatid niya pa ako pasakay ng kotse. I thought it was weird kasi hindi kami nagpapang abot tapos andon siya sa bahay like may himala!?. Di ko nga alam kung natutulog ba talaga siya. di kaya bampira ang taong yun? buti sana kung mala edward cullen yung datingan niya eh mukha lang naman siyang gangster sa kanto. Think of happy thoughts.

'Ano na!? nakalipas na ang rumored  end of the world pero yung asawa mo di ko pa nakikita' bakit pa gusto gustong niya makita si ser.di naman yun artista hay nako.

Sinulyapan niya ulit yung kasama ko 'omg wag mo sabihing......ito yung asawa mo?!' waaaat? pinagsasabi nito?

'Okay ka lang Vi? May asawa bang bumubuntot sa school? bawal ang pda dito. Di mo nanaman inaral yung student handbook tsk tsk tsk'

'Woow sorry ha. Ako kasi itong walang alam at kailangan pang manghula ng mga nangyayari sa buhay mo. Hindi mo ako kaibigan kasi chismosa talaga ako. Ang sakit mo sa bangs nakakastress ka'

'Wala kang bangs Vi'

'Aaaaargghh! Sus miyo marimar!'

Parang ewan naman tong si Vi. Kanina masaya tapos ngayon nagevolve into dinosaur. Pokemon ata ito. Anu ba yan pinaliligiran ako ng mga strange creatures. Sa bahay may bampira, sa school may pokemon don't tell me sa train may zombies? Train to busan yarn? Ay ewan ano bang nangyayari sa earth!?

Nagfifeeling artist ako habang inaantay ang last subject namin. Pero syempre sa notebook ni Vi ako nagdodoodle hehehe ayoko kasi sayangin ang page ng notebook ko dahil mahilig magtake notes kaya yung sa kaniya na lang tutal di naman siya nagsusulat.

'Okay guys, may important meeting ang faculty so wala s~' hindi paman din tapos ang block president namin magannounce umeksena na ang mga blockmates namin.

'Yes!!!!' nagsigawan sila happy much?

'uwian na!' ay talaga? uwian na? may sinabi ba si pres? advance sila mag isip?

'Yes early dismissal but....' nanlumo naman ang mga itsura nila. Yung iba namumulbo pa man din. Very ready na umuwi.

'Don't tell us na may iniwang task pres' sabay sabay nilang sabi. Si Vi naman panay lahid ng liptint eew nilahid na sa lips nilahid pa sa cheeks. May pera naman di nabili ng blush on.

'Okay I won't'  eh ano pala?

'Pres naman eh' nag ingayan na naman sila. Ba't ba kasi di nila patapusin yung tao tsk tsk.

'So here it is. Find a partner and work on anything about forensic chemistry. According to sir we can do whatever we want reporting, demonstration, experiment and etc. AND the submission will be....  this saturday. Okay thats it bye people.'

'Whaaat?'

'Seryoso?''

'Sa weekend? ano to overtime?'

'luhhh'

'Pres wait!'

Nagkagulo ang buong class yung iba hinabol pa si pres. Binalingan ko naman si Vi na busy parin sa paglagay ng kolorete.

Meeting the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon