Revenge #07: She's Sick

212 7 3
                                    

*Renz’s POV*

Nang dumating ako sa classroom namin ay nandoon na si Glacy pero nakasubsob ang ulo nito sa desk. Baka napuyat na naman si Bee kaya inaantok pa ito o kaya naman ay nagtatampo pa din ito sa akin. Kaya naman ay naupo ako sa may tabi nito. Pero hindi man lang ito lumingon para tignan kung sino ang naupo sa tabi niya. Wala pa din naman si Trisha kaya okay lang naman siguro na kausapin ko siya. Tinext ko ito para sabihing akyat muna kami sa rooftop pero hindi man lang siya nag-abalang tignan ang cellphone niya. Patay ako nito. Galit yata talaga si Glacy. Maya-maya ay nagsidating na din ang iba naming mga kaklase pati na din si Trisha na naupo sa tabi ko. Mamaya ko na lang iisipin kung paano ako babawi kay Bee.

*Hero’s POV*

Nang makarating ako sa classroom namin agad kong hinanap si Glacy para isauli yung payong na pinahiram niya sa akin. Tumigil muna ako sa may pinto upang tignan kung saan siya naka-upo at nakita ko siya sa second row katabi ni Renz.

Sa totoo lang ay nagtataka talaga ako sa kanilang dalawa ni Renz. Nahuhuli ko kasing nagbibigay ng note si Renz sa kanya sa klase namin at lagi kong nakikita si Renz na minamasdan si Glacy sa malayo.

Sa totoo lang unang kita ko pa lang kay Glacy attracted na ako sa kanya. Ang simple lang kasi niya mag-ayos. Walang make-up pero kitang-kita mo yung kagandahan niya. Pero ang pinakanagustuhan ko sa kanya ay yung mga ngiti niya. Lagi kasi siyang naka-ngiti. Bihira mo siyang makikitang nakasimangot sa klase.

Lumapit ako sa kinauupuan niya at umupo sa may harapan niya. Hindi ako agad napansin ni Glacy dahil nakasubsob yung ulo niya sa desk. Kinalabit ko ito pero hindi ito nag-abalang tumingin sa akin. Tulog yata siya. Napansin ko din na nag-umpisang magbulungan yung mga kaklase ko dahil bihira akong makipag-usap sa babae. Mga chismosa talaga. Napansin ko din na nakatingin si Renz sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin.

“Glacy!” Sabay kalabit ko ito. Gumalaw naman ito at maya-maya pa ay nag-angat na ng ulo. Mapupungay pa yung mga mata niya kaya alam mong bagong gising. She’s really cute. Pero pansin ko bakit namumula yata siya?

“Bakit?” Then she gave me a weak smile.

“Isasauli ko sana yung payong mo. Salamat ha?” Then inabot ko sa kanya yung payong. Pero hindi sinasadyang nahawakan ko yung kamay niya. Ang init niya. Agad ko siyang hinawakan sa noo upang alamin kung may lagnat siya. “Nilalagnat ka. Dadalhin kita sa clinic.” Agad ko siyang inalalayan patayo upang dalhin sa clinic ngunit bigla naman itong muntikang matumba. Siguro ay nahihilo siya. Mabuti naman at agad ko siyang nasalo kung hindi malamang ay bumagsak siya sa sahig.

“Tulungan na kita pare.” Pag-aalok ng tulong ni Renz pero kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.

“Huwag na. Kaya ko na.” Pagkasabi ko noon ay agad ko ng binuhat si Glacy dahil mukhang hindi niya kayang maglakad. Magpapababa pa yata sana si Glacy pero agad ko itong binulungan. “Just rest.”

“Oo nga hon. Kayang kaya na ni Hero yan.” Nadinig kong sabi ni Trisha habang papalabas kami ng pinto.

Nang makarating kami sa clinic ay agad kong inihiga si Glacy sa kama. Agad naman siyang inasikaso ng school nurse.

“39.6 ang temperature niya. Napainom ko na din siya ng gamot. Sinisipon din siya. Mukhang naulanan siya kahapon. Pwede mo na din siyang iuwi.”Sabi nung nurse atsaka niya inabot sa akin yung excuse slip ni Glacy para sa klase namin.

“Thank you Miss. Pwede ko bang iwan muna siya dito. Kukunin ko lang yung gamit niya.” Tumango naman agad yung school nurse kaya agad akong lumabas ng classroom.

For His RevengeWhere stories live. Discover now