Revenge #01: The Start

284 4 0
                                    

*Glacy’s POV*

 



Tahimik akong nagbabasa ng libro sa loob ng classroom namin. Bakit naman kasi ang tagal ng professor ko? Sayang lang binabayad namin. Kaya naman itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagbabasa ng libro.

Maya-maya pa ay may isang pares ng magkasintahan ang pumasok sa classroom namin. Kung titignan mo sila mukha silang masaya, magkahawak ang kanilang mga kamay at dala-dala pa nung lalaki yung gamit ng babae. Kita ko ang labis na kaligayahan sa mukha ng babae dahil abot tenga ang ngiti nito habang ang lalaki naman ay seryoso lamang. Napansin yata nung lalaki na nakatingin ako kaya naman binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti. Agad akong nag-iwas ng tingin dahil naiinis pa din ako sa kanya. Agad naman silang umupo sa tabi ko.

 

Kung tatanungin niyo ako kung kilala ko sila syempre naman noh. Yung babae ay si Trisha Mae Ortiz isa sa mga mean girls dito sa university namin at yung lalaki naman ay si Renz Christian Valdez isa sa mga pinakagago este pinakagwapong estudyante dito.

Nagulat naman ako ng may biglang pumatong na note sa desk ko na may nakasulat nabee sorry na. wag ka na magtampo oh. Nagpasundo kasi yung bruha eh. Smile na. Huwag ng sisimangot ha? Baka mamaya di ako makatiis kiss kita dyan. I love you! :*”.

 



Hindi ko napigilang mapangiti sa nabasa ko. Agad ko namang inipit yung note sa libro ko. Siguro ay nagtataka kayo kung kanino nanggaling yung note. Nanggaling lang naman yun kay Renz Christian Valdez. Yes you’ve read it right sakanya galing yan and if you’re going to ask me kung ano ko siya he’s my boyfriend at kung iniisip niyo na kabit ako I’m sorry to tell you dahil ako yung original. Magulo ba? Sige ikkwento ko sa inyo paano kami napasok sa ganitong sitwasyon.

 



Ganito kasi yun. Nakilala ko si Renz nung second year highschool ako. Transferee siya nun sa school ko. Tapos naging close kami kaya nanligaw siya. Si Renz kasi kahit suplado yan, caring at sweet naman siya. Kaya sinagot ko siya nung third year kami. Sa ngayon 2 years and 7 months na kami. Masaya naman kami ni Renz nagkakatampuhan pero konting lambingan lang okay na ulit kami. Gumulo lang naman ang lahat nung nawala si Rizza.



 

Si Rizza Clarisse Valdez ay ang kakambal ni Renz. Pero kahit na kambal sila hindi sila magkamukha pero sobrang close ng dalawang yan. Magkaiba lang yung pinapasukan ni Renz at Rizza. Si Rizza ay nag aaral noon sa St.Christine University kung saan kami nag-aaral ngayon ni Renz. Maganda si Rizza kaya naman hindi nakakapagtaka na madaming nanligaw dito pero si Spade Ortiz yung nakakuha ng puso ni Rizza. Si Spade ang certified playboy dito sa SCU at kapatid ni Trisha Mae. Hindi gusto ni Trisha Mae si Rizza para sa kuya niya kaya naman binubully niya ito kapag hindi nakaharap si Spade. Tiniis yun ni Rizza dahil ayaw niyang masira yung relasyon ng magkapatid hindi din siya nagsumbong sa amin ni Renz. Nung nakuha na ni Spade yung gusto niya kay Rizza ay nakipaghiwalay agad ito sa dalaga at sinabing isa lang siya sa collection nito. Pinagkalat din ni Spade na may nangyari na sa kanila ni Rizza. Sa sobrang lungkot ni Rizza sa mga nangyari ay nag suicide ito. Sobrang nalungkot si Renz sa pagkamatay ng kakambal niya. Hanggang isang beses habang naguubos ako ng oras sa internet di ko sinasadyang nakita yung blog ni Rizza. Kaya naman ipinakita ko iyon kay Renz dahil may karapatan siyang mabasa iyon. May blog entry pa nga siya dun para kay Renz. Ito yung nakalagay sa blog entry niya.

For His RevengeWhere stories live. Discover now