Revenge #02: Meeting the JERK

140 4 1
                                    

*Glacy’s POV*

Nandito ako ngayon sa cafeteria ng school kasama si Charie at si Maj. Mga classmates ko sila. Sila yung mga unang nag-approach sa akin at tinour din nila ako dito sa SCU and inexplain nila yung mga dapat kong malaman. Mababait naman sila tsaka alam kong totoo yung pinapakita nila sa akin. Kinokopya ko na din yung mga notes nila since late na ako sa lessons namin.

“Glacy may boyfriend ka ba? Hindi mo kasi sinagot yung tanong sa iyo kanina eh..” Naalala pa pala ni Maj iyon pero imbis na sagutin ko siya ngumiti lang siya sa akin.

“Pa-mysterious ka! Meron noh?” Pangungulit din ni Charie habang sinusundot yung tagiliran ko. Hindi yata ako titigilan ng mga to hanggang hindi ako nagkkwento.

“Oo na. Meron po.”  Nahihiya ko pang sabi sa kanila.

“Sabi na eh! Sa ganda mong yan imposibleng wala kang boyfriend.” Sabi ni Maj habang inaalog yung braso ko.

“Maj tama na! Nagsusulat ako oh.” Binitiwan naman niya agad yung kamay ko tsaka nag-peace sign.

“Who’s the lucky guy? Schoolmate ba natin? Kaya ka lumipat noh? Aminin.” Grabe para namang imbistigador magtanong itong si Charie.

“Girls please let’s just change the topic. Medyo magulo kasi yung situation namin eh. I hope you understand.” Nag nod naman sila pareho.

“We understand.”

“Basta pag okay na lahat between the two of you pakilala mo sa amin ha?” Pangungulit nanaman ni Charie.

“Of course. Kayo pa una kong sasabihan.”  Tapos nun they hugged me. Ang gaan ng loob ko sa dalawang toh. 

“Ehem.. Hi girls.” Nagulat naman ako ng may biglang umupo dun sa upuan sa tapat namin. Pagtingin ko may isang lalaking gwapo ang nasa harap ko pero di ko gusto yung aura niya mukhang mayabang eh.

“Uhm.. Hello Spade. May kailangan ka?” Nahihiyang sabi ni Maj. Si Charie naman parang wala lang.

“Hi. I just want to introduce myself to that very beautiful lady beside you. Hi I’m Spade Ortiz and you are?” Sabay lahad niya nung kamay niya para makipagshake hands. So siya pala yung walang hiyang ex ni Rizza. Tinignan ko lang yung kamay niya na nasa harapan ko pa din.

“I’m not intrested.” Sabay balik nung tingin ko dun sa notes ni Maj. Mukha namang napahiya siya dahil sa ginawa ko kaya binawi niya na yung kamay niya.

“Playing hard to get babe?”Nakangising sabi niya. Pero teka anong tinawag niya sa akin?

“Don’t call me babe. Hindi ako baboy.” Sabay irap ko sa kanya. Nagulat naman ako ng biglang sumulpot si Trisha Mae at si Renz sa may table namin.

“Kuya! What are you doing here?” Obvious ba? Edi nambbwiset.

“I’m meeting my future girlfriend.” Future girlfriend? Sino si Maj o si Charie?

“Sino sa kanila Kuya?”

“The new girl.” Then he laughed boyishly. Napatingin naman ako kay Renz nun at kitang kita ko ang pagkunot ng noo niya. I’m sure naiinis na yan.

“Really? She’s my classmate! Do you know her na ba Kuya?”

“Hon tara na.” Pag-aaya naman ni Renz kay Trisha pero di naman umalis si Trisha sa kinatatayuan niya.

“Cool! Do you know her name. She said that she’s not intrested.” Hindi ko na pinansin si Spade dahil nakakatuwa yung itsura ni Renz ngayon. Halata ng nabbwisit na siya pero wala siyang magawa. That’s why kinuha ko yung phone ko and texted him that I can manage and there’s nothing to worry.

“She’s Glacy Michelle Lopez. Transferee from MNU. Well I like her for you. I think she’s not like your other girls.”Di na ko comfortable sa situation ngayon kaya mabilis kong niligpit yung gamit ko.

“I’m sorry but I have to go. May kukunin pa ko sa bookstore eh.” Nagpaalam ako baka  kasi sabihin pa nila bastos ako.

“Girl saabay na ko. May dadaanan din ako dun.” Sabay tayo na din ni Maj.

“Me too. Una na din ako. Bye guys!” Paalam naman ni Charie kina Trisha.

“Bye and Glacy mark my words. I’ll make you mine.”Asa ka naman diyan. Kay Renz lang ako noh.

Habang naglalakad kami palabas ng school may natanggap akong text from Renz. “Bee. Uuwi ka na ba? Ingat ka ha? Puntahan kita later. Btw babe ingat ka kay Spade ha? As much as possible iwasan mo siya. I love you.”

For His RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon