Revenge #06: Heavy Rain

201 7 0
                                    

*Glacy’s POV*

Nandito kami ngayon nila Maj at Charie sa library. Gumagawa sila ng presentation para sa Economics habang naga-advance study naman ako sa Marketing.

“Ayoko na! Hindi na kaya ng brain cells ko.” Sabi ni Maj habang ginugulo niya yung buhok niya.

“Puro ka kasi reklamo eh. Gumawa ka na lang nang mapabilis tayo. Pagod na din ako eh.” Reklamo na din ni Charie.

Nakakaawa naman ang dalawang ito. Buti na lang at medyo matagal pa bago ako mag present.

“Patingin nga ako niyang ginagawa niyo.” Agad namang inabot ni Maj yung laptop niya. “Malapit na pala kayong matapos eh. Tulungan ko na kayo. Ako muna dito. Pahinga muna kayo.” Nakakaawa na kasi talaga yung itsura nila. Mukhang stress na stress na.

“Yey! Thank you talaga! Hulog ka ng langit.” Tuwang-tuwa na sabi ni Maj.

Hindi na ako sumagot pa sa sinabi ni Maj at inumpisahan ko na yung paggawa ng presentation nila. Maya-maya pa naramdaman ko yung pagvibrate ng cellphone ko. Agad ko itong kinuha para makita ko kung sino yung nag text.

Sender: Bee ♥

Bee nasa school ka pa ba? Tumatawag ako sa apartment mo walang sumasagot. Sunduin kita ha? :)

Agad din naman akong nagreply kay Renz.

To: Bee ♥

Yup. Nasa school pa po ako. Are you sure about that? Baka may makakita sa atin?

Agad naman siyang nagreply.

Sender: Bee ♥

Hindi yan Bee. Kotse naman ni Dad gagamitin ko eh tsaka di naman ako bababa ng sasakyan. Sunduin kita ng mga 6pm ha? I love you :*

Napangiti naman ako ito yung isa sa mga bagay na nagustuhan ko kay Renz. Sobrang maalaga siya.

To: Bee ♥

Okie :) I love you too. Laters :*

Itinago ko na yung phone ko sa bag at ipanagpatuloy ko na yung ginagawa ko. Maya-maya natapos ko naman agad yung presentation nila.

“Maj, Cha okay na yung ito. Dagdagan niyo na lang yung mga graphs.” Then inabot ko kay Maj yung laptop. Inagaw naman agad ito ni Charie at tinignan yung ginawa ko.

“Wow. You’re so bright talaga Glacy. Thanks.” Lagi akong sinasabihan na bright ni Charie. Ewan ko dyan sa babaeng yan.

“Ang galing mo talaga Glacy! Thank you! Kung naging lalaki lang talaga ako ikaw yung liligawan ko.”Sabi ni Maj habang niyayakap ako. Clingy talaga siya. Magkaiba talaga sila ni Charie. Si Charie may pagkamataray minsan. Si Maj naman makulit.

“Eew. Sabi ko na nga ba lesbo ka eh. Kaya siguro hilig mo kong yakapin kasi type mo din ako noh?” Sagot naman ni Charie.

“Eew ka din. I’m not a lesbo. And please don’t flatter yourself. Sabi ko di ba si Glacy? Wag kang feeling.”Huwag kayong mag-alala hindi sila nag-aaway. Ganyan lang talaga sila maglambingan.

“Hay kayo talagang dalawa ang sweet sweet niyo. Hindi libre yang ginawa ko noh? Ililibre niyo ko bukas ng lunch. Hahaha di joke lang.”  Biro ko sa kanila. Nag-umpisa na din silang magligpit ng gamit nila.

“Bebe una na kami ha?” Paalam ni Maj sa akin.

“Huwag bata pa kayo.” Biro ko sa kanila kaya nagtawanan kaming tatlo.

For His RevengeWhere stories live. Discover now