Chapter 56:

Depuis le début
                                    

"Bakit ka napatawag? Gabi na." Nalayo ko nalang ang aking selpon sa tainga nang bigla itong tumili.

"Thrizellllllllllll!" Mukhang masaya siya ngayon, ah? Anong nangyari dito? "Pinayagan ako ni mom na riyan magcelebrate ng birthday ko. Uuwi ako next week." Rinig ko pa ang pagkunwari niyang iyak. Oo nga, malapit na ang kaarawan niya. Pati tuloy ako ay nasasabik, sabik na makita siya.

Alam niyo ba na kapag may kaarawan, may nangyayaring hindi inaasahan? Iyon ang palagay ko ngayon. Pero bakit ko pa ba iyon i-isipin? Wala akong kasiguraduhan. Masyado akong magpauna mag-isip e.

"Hihintayin kita."

Masaya ang aking reaksyon. Si Amira nalang yata ang nagpapabalik sa magandang kalagayan ko kapag tatawag siya. Alam mo iyon? Nakakahawa ang kaniyang kasiyahan. Thanks to her.

"Basta kapag nakarating ako riyan, ikaw agad una kong makikita, ah? Naku, Thrizel, miss na miss talaga kita. Huhu."

Ang cute niya talaga kahit kailan. Marami pa kaming pinag-usapan ni Amira, halos lumagpas din iyon ng limang minuto. Kung hindi pa siya tatawagin o may maalalang may gagawin, baka wala ng katapusan ang aming pag-uusap.

Namalagi muna ako rito sa labas, gusto ko ang lamig ng simoy ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam. Mula rito sa puwesto kong madilim, kitang-kita ko ang kumikintab ang dagat na animong kristal. Napakaganda tingnan lalo na’t napapailaliman ng buwan.

Bigla akong napaigtad nang biglang may humawak sa aking balikat. Agad akong napatingin kung sino iyon. Doon lang huminahon ang puso ko sa kaba nang makita ko si Thrale. Wala akong alam na lalabas siya, ang nasa isip ko ay si Link ang pupunta rito. Mahilig tawagin ni Link ang aking pangalan hindi ‘gaya ng ginawa ni kuya ngayon.

"What's wrong, Thrizel? Gulat na gulat ka."

Tumabi siya sa akin. Nananatiling nakatingin. Naghihintay kung anong magiging sagot ko.

"May iniisip lang." Simple kong sagot at ngumiti sa kaniya ng pilit.

Napatingin ako sa kaniyang mukha pero labi niya talaga ang nangunguha ng aking atensyon. Ang bilis na naman ng tibok ng aking puso. Hinihingal mo talaga ako lagi, Thrale.

"Parang lagi kang may problema." Muli akong napaigtad nang maramdaman kong hinawakan niya ang aking isang kamay. Titig na titig lang talaga siya. "You can tell me, alam kong lumalaki na tayo, Thrizel. Hindi habang buhay ay magkasama tayo dahil may mga gusto rin tayong gawin na wala ako, ikaw." Napatingin ako sa isa niyang kamay, kinuha nito ang buhok kong nakalaylay sa aking balikat. Para niya akong inaamo.

"Thrale." Banggit ko sa kaniyang pangalan. Nasanay na yata siya sa pagtawag ko sa kaniyang pangalan. Dati ay big deal pa iyon sa kaniya. Ewan, hindi ko siya matawag sa gano’n. Ayoko siyang tratuhin na siya ang kuya ko.

Ngumiti ito sa akin at lumapit. Bigla ako nitong niyakap kaya my heart beat again, ang lakas. Parang may humahaplos sa aking puso, ngayon nalang ako nayakap ng ganito ni Thrale. Pakiramdam ko ngayon, dapat na akong makampante. Ang sarap sa pakiramdam na ganito kami ngayon. Alam kong sa aming dalawa, ako lang ang nagbibigay kahulugan pero ayos na ‘yon. Ang mahalaga, p’wede ko pala siya yakapin ng ganito kahigpit.

"Thrale..."

"Shhh."

Sa oras na ‘to, kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko. Baka ano pang masabi at magawa ko. Aaminin kong wala ring akong tiwala sa aking sarili, masyado lang akong nag-iingat. Ang aking sikreto ay mananatiling sikreto.

"Pumasok na tayo sa loob." Ngumiti ako kay Thrale. Kumalas kami sa pagkakayakap. Sabay kaming pumasok sa loob, hinatid niya pa ako kung saan ang kwarto namin ni Ate Anissa.

"WAHHHHH!" Malakas akong napasigaw nang linggo ngayon. Kailangan kong mapanood ko ang aking favorite anime. Kyahhhh!

Agad akong pumunta sala. Kinuha ang remote at binuksan ang aming telebisyon. Masaya akong nakaupo sa single sofa habang kinakain ang jelly ace na binili ni mom. Ngunit, gano'n nalang mangunot ang noo ko nang biglang namatay ang telebisyon namin. Tiningnan ko kung sino ang may hawak ng remote, si daddy.

"Dad, look, nanonood ako." Pagrereklamo ko pa. Masama ang aking loob nang ikulong niya ako sa bodega. Buti nalang nakita ako ni mom. Ayoko na  sa kaniya simula ngayon.

"Your mom is pregnant, sa ibang lalaki." Buntis si mom? Sino namang lalaki? Masyado pa akong bata para maintindihan ang kaniyang sinasabi.

"Wahhhh, may kapatid na po ako? May kuya na ako?"

"No, babae ang anak ng mommy mo."

Simula noong lagi na silang nag-aaway ni mom, ganiyan na sumagot sa akin si dad. Hindi na siya sweet ‘gaya noong dati.

"P'wede po bang kay mom nalang lagi ako sasama?" Dahil sa aking pagtatanong, biglang nag-iba ant awra ng kaniyang mukha. May mali ba?

"Hinding hindi ka lalabas ng bahay na ‘to, naiintindihan mo? Kahit kay Threa, bawal na bawal kang sumama."

"But she's my mom, sabi sa akin."

"Manahimik nalang, wala kang karapatang lumabas." Matigas niya pang sabi kaya wala na akong nagawa kun'di ang manood ng walang gana.

Minsan nalang umuwi ang mommy ko. Dahil ba may bago na siyang anak? Hindi na ako? Paano na ako? Kawawa na ako? Mahigpit ang pagbabantay sa akin ni dad, ni hindi ako makapuntang hardin man lang. Bakit niya pa kaya ako tinatago rito kung matigas naman ang aking ulo?

"Ikaw lang ang makakapagbalik ng mommy mo rito sa bahay kaya magmakaawa ka sa kaniyang umuwi rito. Pinapangako kong hindi na siya makakaalis." Narinig kong sabi sa akin ni dad. Inuutusan niya ba ako?

"Bakit mo muna pinatay ang tv natin?" Malungkot akong humarap sa kaniya.

Napansin ko ang kaniyang pagbubuntong hininga. "Papayag ka ba?"

"Favorite anime ko iyonnnnnnnn!"

"Masyado kang makulit, hindi kita anak. Hinding hindi ako maawa sa ‘yo. Manahimik ka riyan."

"Dad!" Lagi niya nalang pinapamukha sa aking hindi niya ako anak. Ayos lang, may isa pa akong tatay, nye.

Napatingin ako kay daddy nang lapitan ako nito. Napaaray ako nang hawakan niya nang mahigpit ang aking bibig gamit ang isang kamay niya. "Ikaw ang malalagot kapag hindi umuwi ang mommy mo." Ramdam ko ang galit at pagbabanta sa kaniyang pananalita. "Kahit kunin ka ni Threa rito sa bahay, hinding hindi kita ibibigay kaya umayos ka hangga’t hawak kita. Lahat ng gusto kong gawin sa ‘yo, kayang-kaya ko.”

ISA na naman panaginip, ang bata na naman. Ano bang konektado mo sa akin? Kung nanghihingi ka ng tulong, wala akong magagawa.

Itutuloy...

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityOù les histoires vivent. Découvrez maintenant