36 - The Forbidden Jutsu

Start from the beginning
                                    

Bahagyang natawa at napailing ang iba. Ilang segundo pang nag-loading kay Gian na si Warren ang tinutukoy ng dalaga.



"He started the Yuan thing and I don't even know how everyone adapted to it. I don't find it cute like what he said noong sinapak ko siya kasi nga nalaman kong sa kanya pala nanggaling 'yon. Hindi niya inaamin na hindi niya lang talaga mabanggit 'yong Luanne." Sandaling napatigil ang dalaga habang may tipid na ngiti at napapailing. Pumapasok sa isipan niya ang mga alaala kasama si Warren noong maliliit na bata pa lamang sila. "I was only five that time, while he was seven. Pumapasok na siya sa school while I'm still homeschooled. Sabi niya bago na rin daw ang nickname niya. Everybody calls him Warren or Ren, but he wants to change it to War because it sounds cool. I can't count how many times na akong napangiwi dahil sa kaniya but that maybe the most exaggerated ngiwi my face had ever displayed. Who the hell wants to be called War? He's really weird sometimes. That very same moment I tried to think of a nickname. 'Yong tipong makakaganti ako sa Yuan."



"Oh." Napatango-tango si Gian.



"I called him Kuya Wawie."



"So kayo ang nagpangalan sa isa't isa?" namamanghang tanong pa ng binata at tumango lamang si Yuan bilang sagot. "Close talaga kayo, 'no? Akala ko dati, siya ang kapatid mo."



"Ako rin naman, no'ng una," pagsang-ayon ni Rina.



"Kailan ba kayo huling nag-away?" biglang tanong ni Jet.



"'Yong bago siya mag-debut," sagot ni Kenzo. Sa halip na kay Yuan, kay Mariz siya lumingon para kumpirmahin kung tama siya. "'Di ba?"



"Oo. Tapos bigla na lang din silang naging okay."



"I don't see this as a serious fight," ani Yuan saka tumingin sa best friend niya. "Well, I didn't see that as a serious fight either. Papansinin din ako no'n mamaya."



"You still calling him by his name?"



Muling ngumisi ang dalaga. "Whole day 'to."



Hindi tumagal ng buong araw ang ngisi ni Yuan nang dumating ang uwian at nagpunta siya sa field. Nagliwanag ang mukha niya nang tumakbo si Lucas papalapit sa kaniya pero agad ding napakunot ang noo nang malaman mula rito na nakauwi na si Warren. "Iniwan nanaman ako?"



"He told me to take you home," naguguluhang sabi ng binata. "Is there a problem?"



"Wala naman," umiiling na sabi ni Yuan. "Bakit? May iba pa ba siyang sinabi?"



"Yeah, and it kinda seemed off to me."



"Ano'ng sabi?"



"That I should take care of you when he's gone."



Natigilan si Yuan dahil sa narinig. Napakurap-kurap siya at pilit na inalis sa isipan ang mga negatibong bagay na bigla na lamang pumasok doon. "N-Nanti-trip lang 'yon. Tara na?"



Si Yuan mismo ay hindi naniniwala sa sinabi niya kay Lucas. Hanggang sa maihatid siya nito sa kanilang bahay ay hindi niya magawang ngumiti nang tunay.



Mom

Dito raw matutulog ang ate at dad
mo. Nandiyan naman si Wawie.
Ingat anak, good night.
Message me when you're up
tomorrow.
Eat breakfast before going to school.



Sa dami ng natanggap na paalala mula sa kaniyang ina, walang ibang pumasok sa utak ni Yuan kung hindi ang katotohanang sila lamang ni Warren ang naroon at alam niyang alam iyon ng binata. Kusang naglakad ang mga paa niya papalapit sa bintana kung saan tanaw niya ang bintana ng kwarto ng binatang hindi niya pa nakikita mula nang umuwi siya. Napabuntong-hininga siya.



Sumapit ang gabi at ni anino ni Warren ay hindi pa rin nagpaparamdam kay Yuan. Bago matulog, muli siyang sumilip sa bintana at napakunot ang noo nang makitang wala ni isang ilaw mula sa bahay nito na nakabukas. Napalunok siya pero muling ipinagkibit-balikat ang mga isipin. Humiga siya sa kama at nagtalukbong ng kumot.



"I-I d-don't regret..."



"Kuya Wawie... please don't leave me... Kahit awayin mo na lang ako for the rest of my life... please."



"A-Ang dugyot m-mong tignan..."



"Kuya Wawie... Kuya Wawie ko..."



"D-Damot mo n-naman... K-Kay Le...anne ako... n-nanalo ako eh..."



"Hindi ko nga alam ang pinagpustahan n'yo."



"S-Secret 'yon...b-bawal s-sa panget..."



"Tangina mo."



"Naaalala m-mo pa ba? 'Y-Yong i-naasar k-kita sa...bi m-mo, mamatay s-sana ako k-kakatawa? E-Eto na 'y-yon."



"Tangina mo, waley ka mag-joke."



"T-Tang... ina m-mo rin... m-mukha k-kang joke... H-Hindi ako n-natatakot... A-Ayoko l-lang mamatay d-dati, k-kasi akala ko m-mag isa ako. W-Walang mag-eulogy."



"Kingina, ang arte mo. Wala rin namang magandang sasabihin sayo ang mga tao."



"At...least... h-hindi ako m-mamamatay na panget..."



"Panget ka. Mabubuhay kang panget. Please, Kuya Wawie. Please."



"D-Dito ka l-lang, Yuan..."



"Kuya Wawie... Akin na lang 'yong baseball mitt na dala mo. Alam kong mahal 'yon at most prized possession mo 'yon pero sayang naman."



"S-Sayo na l-lahat ng pag-aari k-ko... H-Hindi ko n-nabuntis ate mo eh... I-Ikaw na p-pinakamalapit k-kong pamilya... L-Lucas... putang ina mo. W-Wala lang... s-sabi k-ko kasi m-mumurahin k-ko magiging b-boyfriend ng Yuan ko..."



"Damot mo rin."



"B-Boto ako d-diyan... t-twen...ty n-nine points..."



"Bakit ka nagbibigay ng points? Pake ko ba kung kanino ka boto?"



"N-Naniniguro lang... B-Bago k-kayong lahat... a-ako ang u-nang n-nakakita ng w-worth ng b-batang 'to... M-Madalas...worth ng p-pitik sa noo...at m-malakas na b-batok 'pag m-matigas ang ulo... pero ang Y-Yuan ko... ka-mahal m-mahal..."



"Ang drama mo."



"T-That's the t-truth... and I k-know all of t-that... even t-though y-you y-yourself d-dont."



"Tama na nga."



"Last n-na... Live, Yuan, k-kasi m-mahal ka n-ni Kuya..."



Umiiyak, pawis na pawis, kinakabahan, at natatakot na nagising si Yuan sa kalagitnaan ng gabi. Bumangon siya at tumakbo patungo sa kabilang bahay.



;

2025: RLWhere stories live. Discover now