Chapter 34

635 11 0
                                    


Guys, near end na itong Captivating Aphrodite. Syempre kapag may magsasarang pinto, may magbubukas na panibago. Meaning, may bagong story!

Susubaybayan nyo po ba? Katulad ng ginawa nyo sa Captivating Aphrodite at sa iba ko pang stories?

Sana po :)

Konting hint, ito po ay 13 chapters lamang? Or depende. Hahaha. Magulo ang utak ko eh.

Vote, comment, be a follower! I-add na sa library at reading list, i-recommend pa sa ibang friends! Salamat guuuuys! Mahal ko kayo!

Update for you guys dahil graduate na ako ;)

**

Reese's POV

"Mr. Damien wants to see you," pumasok ang sekretarya ko sa opisina ko. Nginitian ko ito at sinabihang papasukin ito.

It's been two weeks since Damien and I got back together. He won me by great efforts. Inihayag nya sa buong mundo ang pagmamahal nya sa akin. He let the world see him say sorry to me. Aaminin ko, natunaw nga ang puso ko sa ginawa nya.

But even he didn't do it, I will still come back to him because that's what should happen. I'm choosing him above everyone. Malaki ang utang na loob ko sa kanya, at hindi naman sya mahirap mahalin.

"Hey there beautiful," bati nya sa akin. I stood up and kissed him fully. Lumalalim na ang halik and I can feel my back pressed on the wall. Humiwalay ako.

"I got so much work, sorry." Ayokong may mangyari sa amin ngayon. Actually, two weeks nang wala. Since we got back together, we never had sex. Just kissing and some making out. Palagi akong tumatanggi. Para kasing, may mali. Like I'm doing some kind of sin and I can't figure it out.

"It's okay." He smiled at me and I hugged him. Kahit okay lang ang sinasabi nya, dama kong may hindi tama. May pagdududa sa kanya. Parang nagtataka sya. I am not surprised too. Kahit sino naman ay magtataka kung two weeks ka ng tinatanggihan sa kama. I feel bad. But I can't do anything about it. I don't push myself to something I don't like.

"Dinner?" I nodded. Inayos ko na ang gamit ko at lumabas na ng office. Jeanie smiled at me as we pass by.

Nadaanan namin ang office ni Spencer. I smiled weakly. Parang kumirot ang puso ko. I haven't seen him since the day I left him sa hut na pinagdalhan nya sa akin.

Of course, I hurt him. And I know that I did it on purpose. Gusto kong matapos na ang lahat ng sa amin.

Dumiretso kami ni Damien sa isang Japanese Restaurant. We're eating feastfully and happily. As if walang nangyari sa aming hindi maganda. Parang hindi nya ako niloko. Okay na rin ito. Ayoko nang balikan pa ang nakaraan.

Maya-maya pa ay nagring ang cellphone ko. It was Angela. Maybe dad wants to talk to me. I answered it immediately.

"Reese!" Angela was crying. Kinabahan ako bigla. "Why are you crying Angela?!"

Silence. Gusto kong pumasok sa loob ng phone ko at mapuntahan agad si Angela. Pero hindi ko magawa.

"Your father.....he's dead."

Nabitawan ko ang cellphone ko.

**

Shooooort.

I hope you guys understand me. Medyo malungkot pa kasi ako.

Captivating Aphrodite (UNEDITED)Where stories live. Discover now