Chapter 38

761 10 0
                                    

Reese's POV

"What? Ikakasal ka na?!" Iritadong sagot ni Angela. Kinuwento ko kasi sa kanya ang nangyari kagabi.

So, yeah. I am engaged.

I smiled weakly. Matagal ko nang gustong makasal. Ewan ko ba, dapat sobrang saya ko ngayon pero hindi. I feel like being pushed into a cliff.

I'm not gonna regret this? Right? I am telling myself that I made the right decision. I did the right thing. Kitang-kita sa mga mata ni Damien ang kaligayahan. Finally, I made him happy. Happiest man on earth, sabi pa nga nya.

"Aren't you rushing? You're just 23, and, paano si Adam?!"

Napalingon ako kay Angela. Nakatakip ang kamay nya sa bibig nya. "How did you know about Spencer?"

Wala naman akong nakikwento sa kanya! So how did she knew that there's this big conflict?

"Ahh, ano, diba kuya mo pa rin naman sya? Tapos, hindi ka pa nagpaalam? Ano, ganoon," sabi nito na habang magulo ang ikot ng mata. I just shrugged.

**

I decided to unwind. Nandito ako ngayon sa isang bar malapit sa sea side. It feels so good. Parang nawawala lahat ng naiisip ko.

Sa paglagok ko ng alak, napapikit ako. Naalala ko na naman ang mukha nya. Yung umiiyak sya sa akin, nagmamakaawa. Not the strong Spencer I've known for years. Hindi ko akalaing...ako pa. Ako pa ang makakasakit sa kanya. Part of me says, nakabawi na ako. But I am not that type of person. Hindi ako nagpaplano ng revenge. I just want peace, that's it.

Parang nagflash back sa akin ang mga bagay...

Noong bata kami, we're the best friends ever. He protects me from everyone who'll try to hurt me.

When I grew up as a young lady, he made me feel special. He's the first guy I fell in love with.

As I bloomed into a woman, he was there. All along...halos buong buhay ko nandoon sya.

But what we have was destroyed because of my father's protection for me against wrong love.

But, our love? Mali ba iyon? Mali ba talaga?

Tumulo ang mga luha ko. I really don't understand how things just happened. Ang sakit-sakit pa rin talaga. Kahit labanan ko, alam ko. Alam kong mahal na mahal ko pa rin si Spencer.

Hindi ko sya totoong kapatid. That reality hits me big time. But still, I am doing what I think is right. I will be choosing the right thing over what's best for me. Hindi ko aakalaing hindi pala laging best ang tama. Napangiti ako ng mapait.

I wanna run away and find myself wrapped into his arms...pero hindi ko magawa. Alam kong marami na ring nasaktan sa pagmamahalang iyon. At ayoko nang may masaktan pa.

Ikaw ba Reese? Hindi ka ba nasasaktan? Nasasaktan ka rin naman ha?

Oo nasasaktan talaga ako ngayon. Sobrang sakit. Hindi ko maintindihan. Sana bukas paggising ko, hindi na kita mahal, Spencer. Sana, maging masaya ka. Sana, kahit piliin ko sya, maintindihan mo...

Sana makahanap ka ng ibang babaeng magmamahal sayo.

Mas lalo akong napaiyak. Naiisip ko pa lang na makakahanap sya ng iba, na may mamahalin sya at hindi ako, parang binibiyak yung puso ko. He can find new love, but me?

I don't know if I can learn to love anyone aside from him.

Ang sakit-sakit.

Adam's POV

Napagdesisyunan kong uminom at magpakalasing ngayon. I drove away, until I found this bar near the sea side.

Gusto kong lunurin yung sarili ko. Dahil sobrang sakit. Putangina, sana pala namatay na lang ako kahapon.

Gusto kong hindi maniwala. Kahit alam kong ito rin naman ang patutunguhan ng lahat, umasa ako. Umasa akong babalikan nya ako. Tutal, alam na naman nya diba? Alam nya nang hindi nga kami totoong magkapatid. Alam na nya eh! Pero putangina! Bakit ganoon? Bakit iyon pa ring gagong iyon ang pinili nya?

Niloko sya non eh! Oo! Sinaktan ko rin naman sya, pero shit! Nangako naman na ako eh! Ibibigay ko naman lahat sa kanya eh! Hindi ko na naman sya sasaktan ulit eh!

Tinandyakan ko yung mga batong malapit sa akin. Napaupo ako sa sahig. Putanginang mga luha 'to.

Do I really need to suffer like this?

Gusto kong puntahan sya at magmakaawa. Baka pag nakita nyang hirap na hirap na ako, baka kunin nya na ako. Baka magbago na ang isip nya.

When Angela called me, I was pathetic. I was telling her, No, cousin. You gotta be kidding me. Fuck no! Hindi sila ikakasal! Hindi sya magpapakasal!

Naikuyom ko ang palad ko at sinuntok ang sahig. Nagdugo ang kamao ko pero wala, hindi nito mapapantayan ang sakit.

I just want you back, Reese. That's all.

I'm willing to take it all back, those words, those hurtful things I did. Maghahanap ako ng time machine...

Just please,

Reese.

Hindi ko na talaga kaya yung sakit. Sobrang sakit.

Third Person's POV

Parehong puso ang nahihirapan.

Parehong nasasaktan.

Parehong lumuluha.

Adam keeps on cussing himself for everything he did. He's blaming himself. Na ang tanga nya. Na hindi nya dapat pinairal ang galit sa puso nya. Hindi nya matanggap. Hindi nya alam kung paano nya malalagpasan ang sakit. He's just wishing death to come pick him right now.

Reese can't stop from crying. Hirap na hirap ang kalooban nya. She chose to do what she thinks is right. Pero alam nya, alam nya sa sarili nyang si Spencer ang mahal nya.

Both wished to forget everything. To let each one of them unkiss each other. Untake each other's heart.

They can't handle the pain they're feeling. Parang hindi mawawala yung sakit, parang walang katapusan.

Adam stood up and tried to walk but he kept on tumbling down. Tulad ng puso nya, sumusuko na rin ang katawan nya.

Reese wiped off her tears but it's useless. It's like she's born to just cry and cry.

Both hearts ask,

If,

They can make it through?

**

Lahat ng sad songs sa phone ko plinay ko na. Walangya kayo Adam at Reese! Pati sarili kong heartbreak pinaghugutan ko! HAHAHAHA pakshet ang hirap talaga. Pati ako naaapektuhan sa inyo! XD

Hi guys sana pasado ito sa inyo. Sana masaktan din kayo, charot. I hope you felt the agony, the paaaain. Char. Hahaha. Thank you for understanding the messy chapter. Nahirapan din ako, I swear.

Captivating Aphrodite (UNEDITED)Where stories live. Discover now