Chapter 13

885 11 0
                                    


3rd Person's POV

"Mr. Preston, look what I have for you,"

Awtomatikong napalingon si Timothy Preston sa kanyang likod. Ineenjoy nya ang magandang tanawin ng Bora mula sa veranda. Sa paglingon nya, nakita nya ang isang magandang dalaga.

He likes her for him.

"Oh, hija, what can I do for you?" Kalmadong sagot nito. Ngumisi ng kakaiba ang babae. Inihagis nya ang isang brown envelope sa lamesita ng suite.

"What's this?" Tanong ni Timothy. He looks pissed off. The woman is acting kinda rude and he doesn't like it. No one dares to act that rude kapag kaharap sya.

They fear him.

"Bakit hindi nyo po buksan?" Sabi muli ng babae. This time, iritado na si Mr. Preston. He sat on the big sofa and took the envelope. Kinuha nya ang laman nito.

Mga larawan.

"You can't be serious..." kapansin-pansin ang pagbabago sa tono ng boses nito. His fist clenched and his jaw tightened. Nakakatakot itong pagmasdan.

"I thought so. Pero ayan na ang ebidensya. They're fooling us all!" Sigaw ng babae. Dinamba ni Timothy ang lamesita at napabalikwas ang dalaga.

"G-get out," utos nito. Nanginginig ito. Nanginginig dahil sa poot. Gusto nyang patayin ang mga tao sa larawan, ang lalaki sa mga larawan.

Umalis ang babae. Parang umurong ang tapang nito. Parang tigreng natakot sa leon.

Agad namang kinuha ni Timothy ang telepono nya at mabilis na sumagot ang kanyang tinatawagan.

"Dalhin mo sya sa akin. Ngayon na. Wag kang papalpak o papatayin kita."

*

ADAM'S POV

"You look tensed. Is there something wrong?" Tanong ko kay Britanny. Namumutla sya at panay gawa ng maliliit na bilog sa balat ko gamit ang hintuturo nya. Pag ginagawa nya yun, I'm more than sure na may iniisip sya at pinapakaba sya nito.

"W-wala." And she looked away. I just shrugged. Sasabihin nya rin naman yun mamaya.

"Adam, pag ba trinaydor kita, magagalit ka sa a-akin?" Tanong ko sa kanya. Mas lalo akong nagtaka. "Why are you asking me these? What's wrong?" I asked her. She began crying.

"Adam, I'm so sorry! Nadala lang ako ng galit!" Sabi nya habang umiiyak.

"Brit, I don't unders--"

3rd Person's POV

"Brit, I don't unders--"

Hindi na natapos ng lalaki ang sasabihin nya dahil dali-daling bumukas ang pinto at iniluwa nito ang walong lalaki na may itim na mga maskara. May mga armas ito. Mga baril.

"Oh my God! Oh my God!" Kakila-kilabot na tili ni Britanny ang pumalibot sa loob ng kwarto.

Mabilis na kumilos ang mga lalaki. Kinaladkad nila si Adam mula sa kama. Pumapalag ang huli ngunit sinasaktan din sya ng mas matindi ng mga lalaki. Sinubukang umawat ni Britanny ngunit pinigilan sya ng mga kalalakihan.

"Brit-tanny, stay here. A-akong ba-ha-la," sabi ni Adam na ngayong sumusuka na ng dugo. Mahina na ito at hindi na makapalag.

"A-adam, I'm so sorry..." humihikbing sambit ni Britanny ng maiwan sya sa kwarto.

*

Captivating Aphrodite (UNEDITED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang