"Hang out, ganun? Or like a...date?" Nagaalinlangan pa ako kung dapat ko ba yun tanungin dahil baka sabihin niya assumera ako, "Kasi bawal pa ako makipagdate."


"Edi hang out. Friends naman tayo, diba?"


"Oo naman. Bakit nga pala tayo lalabas? May importante bang pupuntahan? O okasyon?" Baka kung anong gawin pala namin noh, I need more information.


Napakamot naman siya ng ulo dahil ata naiirita na siya sa kakatanong ko, "Bakit ang daming mong tanong?"


"Ayaw mong sagutin? Edi hindi ako sasama."


Isasarado ko na sana yung gate nang bigla niyang hawakan ito para pigilan, eh maingay yun! Kaya pati ako nagulat.


"Gusto kitang makasama." Sabi niya habang nakatingin saakin nang deretso, "Okay na ba na dahilan 'yun?"


Para naman akong napipe sa sinabi niya at nag-iwas na nang tingin, "Sa-san ba tayo pupunta?"


"SM North. May kailangan din kasi akong bilhin at ang boring pag walang kasama."


Papayag na sana ako kasi may kailangan din akong bilhin kaso may bigla akong naisip.


"Uhm, maliligo pa ako--"


"I can wait." Sumandal siya sa gilid ng gate tsaka humalukipkip habang nakatingin saakin.


"Papaalam pa ako kila mama at papa-"


"Already did it for you," Sabi niya kaya tinignan ko siya na nagtataka kung paano naman niya ginawa para saakin yun, "Nakasalubong ko kanina yung mama mo nung lumabas siya sa bahay niyo kaya nagpaalam na ako sakanya na ilalabas kita."


Si mama talaga oh! Parang kulang nalang ibigay ako ng tuluyan kay Gino, amp.


Napabuntong hininga ako, "Wala dito si mama at papa so hindi ka pwede pumasok sa loob para maghintay."


Sumingkit naman yung mga mata niya at tinignan ako nang ilang segundo, "You're really testing me, Princess."


"Eh baka kasi mainip ka. Kaya kung hindi ka makakapaghintay, wag nalang." Paglilinaw ko sakanya.


"Kahit gaano katagal, I'll wait here." Sabi niya at naglakad na pabalik sa kotse niya. Bago pumasok ay sinenyasan pa akong pumasok na sa loob para mag-ayos.

A Hidden Gem (Fate Series#3)Where stories live. Discover now