Lovesick [21]

677 38 6
                                    

KYUNGSOO POV

Nadedepress ako dahil sa pinaggagagawa ko. Kung gusto ni Chanyeol si Baekhyun, anong magagawa ko diba? Imposible namang magustuhan ni Baekhyun si Chanyeol kasi may Kai na siya. Pero pano kung mangyari un?

Hahayaan ko nalang bang magmahalan silang dalawa?

Pero... masasaktan ako diba?

Ayoko. Ayokong bitawan si Chanyeol. Hindi pwede. Kung hihingiin man ni Baekhyun sakin si Chanyeol kailangan niya munang dumaan sa kabaonv ko. Syet ang drama ko.

Wala e. Mahal ko.

"Sinong mahal mo?" Rinig kong tanong ni Chen kaya mabilis akong napalingon.

Narinig niya?

"Ha?"

"Sabi ko, sino ung mahal mo?'

"May sinabi ba ko?"

"Ay wala. Kaya nga nagtanong ako e. Ang tanga neto"

Sabi niya at inirapan ako. Binatukan ko naman siya.

"Ang arte neto. Oo na. Wala. Ikaw mahal ko. Okay na?" Pagkasabi ko nun agad naman akong nabato ng unan ni Umin hyung.

Pinandilatan pa ko ng mata. Kaya agad akong ngumiti.

"Eto naman nagjojoke lang" sabay bato ulit ng unan at takbo sa taas.

Nakita ko namang si Chanyeol na nakatayo sa labas ng kwarto nila, nakatulala at nakatakip ang bibig.

Anyare bae?

"Huy" sabi ko at sinilip ung kwarto.

Wala nam---- ay.

"Huy" tapik ko ulit sa kanya pero hinatak niya lang ako papunta sa kwarto kung saan ko nakadestino. (A/N: Lalim ng destino shyet)

"Huy okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala oh" sabi ko after 5 mins and 22 secs kaming tahimik.

Siya? Ayun. Kanina pa tulala.

"Soo," nagulat ako ng bigla siyang magsalita, iniisip ko kasi ung nakita ko sa kwarto, "nagmahal ka na ba?" Sabi niya at huminga ng malalim. "Ung tipong alam mong hindi ka niya mahal, na may mahal na siyang iba pero ikaw nagmamahal pa rin sa kanya?" Napatingin ako nun sa malayo.

Bigla kasi siyang tumingin sa mga mata ko. Ayoko e. Baka makita niya sa mga mata ko kung gano ko siya kamahal. Na kaya kong ipagpalit ung friendship namin ni Baekhyun para lang sa pag ibig niya.

"Oo. Bakit? Naranasan mo na?" Sabi ko at tinignan siya.

"Oo e. Ang sakit pala no. Akala ko pag nagmahal ka, mahal lang. Walang sakit sakit. Walang iyak iyak. Pero tae talaga. Kailangan bang kasama un?" Sabi niya. Namumuo na ung mga luha sa mata niya.

Park Chanyeol, nasasaktan akong makita kang ganyan.

"You'll never know if its love when there's no pain" sabi ko at yumuko.

Tae ah. Ang hirap mag advice.

"Kyungsoo," sabi niya, pag tinatawag niya kong 'kyungsoo' may mahalaga siyang sasabihin, "may sasabihin ako sayo"

Sabi niya at hinawakan ung kamay ko.

Omg! Aamin na ba siya? Na ako talaga ung mahal niya? Ang mali.

"Ano un?" Sabi ko at hinaplos ung kamay niya.

"Hindi si Minah ung mahal ko," sabi niya.

Lovesick (KaiSoo & ChanBaek)Where stories live. Discover now