Lovesick [20]

638 32 18
                                    

KAI POV

"Soo, umamin ka nga, pinagseselosan mo ba ko? May galit ka ba sakin?"

Rinig kong tanong ni Baek kay Kyungsoo. Agad akong napatingin kay Kyungsoo. Gusto kong um'oo' siya sa tanong ni Baekhyun. Hindi ko rin alam kung bakit.

Gusto kong magalit si Baekhyun sa lahat ng tao. Mahal ko siya, pero hahayaan ko nalang ba na mawala siya sakin ngayong hawak ko na? Psh. Magkamatayan man di ko bibitawan si Baekhyun.

Di ba sabi nga, ang pag ibig ay isa sa mga dahilan kung bakit nagsimula ang digmaan. Kung ikaw ba, nasa sayo na ung taong mahal mo, ung taong alam mo na un na ung makakasama mo habang buhay, papayag ka ba na makuha siya sayo ng iba?

(A/N: Pakisagot please please please?)

"H-Ha? Anong k-klaseng tanong yan?" Sagot ni Kyungsoo habang nakatingin sa kung saan saang bahagi ng mukha ni Baekhyun.

Sinungaling.

"Sige. Sabi mo e" tapos nakita kong inayos ni Baekhyun ung pag upo niya at ung uniform niya.

"Good Afternoon, class"

Nagsimula na ung klase at as usual tahimik ang iba naming kaklase.

"And class, before I forgot. You only have one week left before your graduation. Be ready to your requirements"

Oo tama. One week nalang at gagraduate na kami. Matatapos na ung school year pero di ko alam kung kelan matatapos ung pag-ibig ni Chanyeol kay Baekhyun.

Basta. Di ko na alam kung anong gagawin ko dun sa yoda na un. Gusto ko lang naman na iwasan niya si Baek, un lang. Kahit un na ung iregalo niya sakin hanggang sa 100th birthday ko ayos lang.

Syempre mabilis lang rin natapos ung buong araw na klase kaya sabay sabay na kaming umuwi.

"Sige mauna na kayo. Susunod nalang kami" sabi ko. Umakyat kasi ulit si Baekhyun ng matanggap niya ung text ng teacher namin. Since siya ung secretary.

"Asan ba siya?" Tanong ni Tao.

"Nasa teacher natin" simpleng sagot ko.

"Ah sige. Mauna na kami" sabi ni Kyungsoo at tinangu-tanguan ako. Eto na naman tong kwago na to.

Alam ko naman kung anong gagawin ko. Di na ko kailangan kulitin.

Kaya nag intay nalang ako sa lobby ng University para salubungin siya. Mga ilang minuto rin naman dumating na siya.

"Oh? Asan na sila?" Sabi niya habang palinga linga sa paligid.

"Pinauna ko na sila maglakad," sabi ko at hinawakan ung kamay niya, "tara na?" Aya ko.

Tumango naman siya at nagsimula na kaming maglakad.

"Baek," lumingon rin naman siya agad, "sorry nga pala sa inasal ko kanina" sabi ko at hinawakan ung kamay niya.

"Naiintindihan naman kita kaya ayos lang un" sabi niya.

Pagkatapos nun tahimik lang kaming naglalakad ng biglang makasalubong namin sila Taecyeon.

"Uy brad!" Sabi niya ay inakbayan ako.

Agad naman akong natauhan at inilayo si Baekhyun sa kanya.

"Kayo pa rin pala" sabi niya at tinignan si Baek, "di mo pa siguro alam no?" Dagdag pa niya.

Ramdam ko ung mga tingin ni Baek na palipat lipat. Parang nag aantay pa siya ng iba pang impormasyon.

Lovesick (KaiSoo & ChanBaek)Where stories live. Discover now