Chapter 17

111 24 1
                                    

Chapter 17 :

Ilang araw na ang nakalipas at hindi na nakita ni Liova si Valen simulang pumunta ito sa kanyang apartment at nag-walk out ang binata. Gusto niyang puntahan ito sa penthouse ngunit naisip niya,bakit naman siya pupunta dun? Wala naman siyang karapatan na puntahan ang binata.

"Bessywaps! Ano na namang iniisip mo dyan? Pansin ko lang ha,ilang araw ka ng ganyan. May problema ba?" Sunod-sunod na tanong ni Dino nang makaupo ito sa kanyang harapan.

Parehong day-off ngayon nila kaya naman tumambay silang dalawa sa isang cafe na nasa gilid ng dagat.

The place was mesmerizing at talagang makakapag-relax ka ng husto ngunit sa sitwasyon ni Liova hindi niya kayang mag-relax lalo na't naiisip niya ang galit na mukha ng binata.

"Wala,pagod lang ako" she lied and Dino raised his left eye brow.

Dino sarcastically spoke."Really? Ako pa ang pagsisinungalingan mo bessywaps?"

Guess she can't hide any secrets from Dino huh =_=. Walang nagawa si Liova kundi ang i-kwento sa kaibigan ang nangyari sa kanya noong nakaraang araw.

"Sinasabi ko na nga ba na tama ang kutob ko eh!" Sigaw ni Dino at bahagya pang hinampas ang lamesa.

"Kutob na alin?"

"Na hindi ka nabunggo" umiirap na sagot ng kaibigan.

"Yang tatay mo sumusubra na,sarap ng itapon sa bermuda triangle!" dagdag pa ni Dino na ikinatawa ni Liova.

" 'Wag mo akong matawa-tawa dyan ha,bakit kasi subrang bait mo? Ayan tuloy inaapak-apakan ka lang"

"Dino,Ama ko parin siya kaya ayaw kong sumagot sa kanya. Kung wala siya,wala din ako. Wala kang kaibigan na maganda diba?" She replied at sumama ang timpla ng mukha ni Dino.

"Okay na sana bessywaps eh kaso may kasama pang maganda pero syempre okay lang siztars naman tayong dalawa"

"Pampalubag-loob ba yan?"

"Medyo"

Nagtawanan silang dalawa at nahinto lamang ito nang may lumapit,sabay na iniangat ng dalawa ang kanilang paningin. It was Stacy,the step-sister of Liova at bahagya pang kasama ang Nanay nito.

Dino tsked and crossed his arms habang nagsusukatan ng tingin sa dalawang tao na nakatayo sa kanilang harapan.

"Well,what a coincidence little sis. Kamusta ka na? Binisita ka ba ni Papa?" Sarcastic na tanong nito,sasabat na sana si Dino ngunit pinigilan niya ito.

"Okay lang naman ako at binisita nga ako ni Papa,how about you?" She politely replied na nakapagpainis kay Dino.

"Oo nga pala,may gaganaping party sa bahay bukas. Pasensya ka na ha,kulang kasi ang invitation" ani ng Ina ni Stacy.

"Okay lang po Tita,busy naman ako eh kaya wala akong oras sa mga party-party"

Sasagot pa sana ang Ina nito ngunit nagsalita na si Dino.

"Oo nga pala Stacy balita ko subrang tagal na ng engagement mo,sampong taon na ang nakalilipas oh. Bakit hindi ka pa nakakasal?" Mapang-asar na tanong ni Dino at umakto itong nagulat.

"Hindi kaya may iba na ang fiancé mo? Oops! My bad at Tita pakiligpit ng anak mo masyadong makalat,katulad ng nanay"

Dino giggled nang makitang galit na galit ang dalawa,tumayo siya at inalalayan na makatayo ang kaibigan. He look at them mula ulo hanggang sa kuko and make a disgusting expression.

"Hindi na ako magtataka kung ba't galit na galit ang ama ni Liova sa kanya dahil napapalibutan pala siya ng mga demonyong ka---"

"Hep! Hep!" Putol ni Dino sa dapat na sasabihin ng madrasta.

Kidnapped By Valen Grut - Trio Series #1Where stories live. Discover now