PROLOGUE

644 51 9
                                    

PROLOGUE :

10 Years Ago ~

Maganda ang sikat ng araw ang tumatama sa mukha ni Valen Grut na bahagyang nakahiga sa kanyang malaking kama,dahan-dahan siyang bumangon habang sapo-sapo ang kanyang ulo na parang bibiyak na sa subrang sakit.

"Argh!" He groan.

"Hindi na talaga ako sasama sa dalawang yun" ani niya sa kanyang isipan at tumayo. Dumiretso siya sa banyo upang magmumog at makapaglinis na rin ng kanyang katawan sapagkat may naghihintay pa sa kanya na trabaho.

Lumipas ang sampong minuto lumabas siya sa banyo na bagong ligo at tanging malinis na tuwalya lamang ang nakasabit sa kanyang beywang,naglakad siya patungo sa kanyang walk in closet at nagbihis.

Maya-maya lang tumunog ang kanyang cellphone na nasa ibabaw ng side table at agad siyang lumapit rito saka sinagot ang tawag.

Ang tawag ay mula sa kanyang sekretarya at sinasabi nito na naghihintay na ang iba niya pang mga kasosyo sa conference room at magtatatlong oras na kaya naman nagmamadali na siyang umalis sa kanyang penthouse,pagkarating niya sa kanyang opisina agad niyang pinasimulan ang kanilang pagmemeetingan.

Ganito palagi ang kanyang routine,gigising ng maaga para magpamahala sa kanyang mga negosyo at inaayos ang mga gusot nito at kapag sumapit naman ang gabi sumasama siya sa kanyang dalawang kaibigan.

Speaking of kaibigan,hindi niya ito nakikita kapag umaga at hindi man lang ang mga ito pumupunta sa kanyang opisina para kausapin siya dahil minsan nakakaramdam siya ng bored sa kakapirma ng mga papeles.

Valen own airlines in every country and he is even a liscence pilot,maraming lumalapit sa kanya na babae at gustong kunin ang kanyang atensyon ngunit ni-isa walang may nakakuha nito maski nga mga kaibigan niya pinoproblemahan lovelife niya.

"Meeting adjourned" walang kaemo-emosyong pagtatapos niya sa meeting saka naunang lumabas ng conference room at tumungo sa kanyang opisina. Pagkapasok niya sa loob mabilis niyang inalis ang neck tie at umupo sa swivel chair.

Binuksan niya ang kanyang laptop upang simulan na sana ang trabaho ngunit nagtagis bigla ang kanyang bagang ng makita ang laman ng kanyang laptop.

"Carla!" Tawag niya sa kanyang sekretarya at pumasok ito na nanginginig.

"A-Ano po y-yun,Sir Grut?" nauutal nitong tanong at halata ang kaba nito.

"Did you touch my fucking laptop?" nakataas kilay na tanong ni Valen at mabilis na umiling ang sekretarya kasunod ng pagtunog ng kanyang cellphone kaya pinalabas niya si Carla at sinagot ang tawag.

"Eyy!" Malakas na sigaw ng binata sa kabilang linya kaya medyo nailayo ni Valen ang cellphone sa kanyang tenga,nang makabawi na siya mula sa pagkakabingi ibinalik niya na ang cellphone sa kanyang tenga.

"Ano na naman ang kailangan mo Reav'n?" Inis na tanong niya rito at nagpakawala lang ng mahinang tawa ang kaibigan.

"Sabi ni Samael gala daw tayo mamaya" tumaas ng bahagya ang kanyang isang kilay.

"Ayoko,marami akong ginagawa" mabilis na sagot niya at naririnig niya  na ang pamimilit ng kaibigan,napabuntong-hininga siya saka minasahe ang kanyang noo.

"Okay na,sasama na ako mamaya kaya tumahimik ka na. Ang aga-aga nangbubwisit ka" inis na ani niya rito at humagalpak lang si Reav'n sa kabilang linya.

"Oww! by the way,kanina pumunta kami dyan ni Samael pero wala ka pa kaya umalis na lang kami" sumama ang timpla ng kanyang mukha at napapikit ng mariin.

"Don't tell me kayo ang nagpakialam ng laptop ko?" tumitimping tanong niya.

"Sort of" mabilis na sagot ni Reav'n.

Kidnapped By Valen Grut - Trio Series #1Where stories live. Discover now