Chapter 6

188 39 0
                                    

Chapter 6 :

GABI na ng maisipan ni Liova lumabas ng kanyang silid,binuksan niya ng maliit ang kanyang pintuan at bahagyang sumilip. Tumingin siya sa kanan pagkatapos sa kaliwa at napahinga siya ng maluwag ng makitang walang katao-tao ang hallway at sarado din ang pintuan ng kwarto ni Valen na nasa kabila lamang.

Binuksan niya na ng malaki ang pintuan ng kanyang silid at tahimik na lumabas,habang naglalakad sa hallway napahinto siya sa harap ng pintuan ng veranda saka napagdesisyunan na sumilip kung nandyan pa ba ang mga kaibigan ni Valen Grut ngunit wala na ito kaya nakahinga siya ng maluwag at bumalik sa loob saka patakbong bumaba at tumungo sa hapagkainan ngunit napapreno siya ng makita ang mga ito na nakaupo ng maayos at lahat nakatingin sa kanya,Dahan-dahan siyang tumalikod saka aalis sana ngunit tinawag siya ng binata.

"Umupo ka na at para makakain na tayo" utos ni Valen,lumingon siya at ngumiti ng pilit.

Alam niya namang Big Boss ko si Reav'n diba? Gusto niya ba talaga akong masisante? Hindi napigilang tanong niya sa kanyang sarili.

"Hi Liova! Come! Sit with us,mabuti at bumaba ka. Balak ka pa sanang ipatawag ni Valen sa silid mo" ani ng lalaking medyo chubby at lumapit ito sa kanya saka dinala siya sa upuan na malapit kay Valen at pinaupo saka bumalik sa kanyang upuan.

He had this chubby cheeks,thick eyebrows,pointed nose,pink thin lips,and a dark eyes. He had this wavy black hair that suits him and a well toned body saka parang modelo siya sa kanyang pananamit dahil sa unique style nito.

"Nice to meet you Liova,hindi pa pala ako nagpapakilala sayo. I'm Samael Hades,bestfriend ako ni Valen" nakangiting pagpapakilala niya saka inabot ang kanyang kamay,tatanggapin sana ito ni Liova ngunit mabilis na inagaw ni Valen ang kamay ni Samael saka nakipag-handshake.

"Nice to meet you ulupong" nakangiting sagot ni Valen at nakita ng dalaga ang pagpukol ni Valen ng masamang tingin kay Samael na ikinakunot ng kanyang noo,men are men. Bahala sila,hindi niya naman alam kung ano ang mga pinag-uusapan nila sa pamamagitan lamang ng kanilang mga mata at nakangising demonyo lang si Samael total demonyo naman talaga si Samael.

"Cut the crap you two,masyado na kayong obvious" inis na asik ni Reav'n na Big Boss ni Liova,parang tumigil ang kanyang paghinga ng nagtama ang paningin nila ni Reav'n.

"Mr. Krust,I can explain p-..." hindi na natapos ni Liova ang kanyang dapat na sasabihin ng putulin ito ni Reav'n.

"Nag-paalam na si Valen,no need to explain" malamig nitong ani sa kanya at parang naalisan ng tinik ang kanyang lalamunan dahil sa sinabi nito pero alam nila ang pangingidnapped nito?!.

Nang dumating si Nanay Beng at ang kambal nagsimula silang kumain na tahimik hanggang sa tumikhim si Reav'n na nakapagpakuha ng atensyon ng lahat.

"So,Valen ano ang plano mo? Isang buwan ka rito?" nakataas kilay na tanong ng binata.

"Parang ganun na nga kaya hindi na muna ako makakasama sa mga gala niyo" sagot ni Valen habang nakikinig lang sa kanila si Liova pati na rin ang mga kasamang katulong sa hapagkainan.

"Ow! Don't worry brother! Bibisitahin namin KAYO palagi" mapang-asar na asik ni Samael na ikinasama ng expression ni Valen.

"Shut up Sam! Umuwi na kayo at 'wag na kayong babalik dito" asik ng kaibigan at napapalakpak si Reav'n.

"Finally! I can go home later and have my rest" mabilis na lumingon si Samael sa katabi at binatukan ito. "Aray! Bakit ba?!" Singhal ni Reav'n sa bumatok sa kanya.

"Gabi na eh uuwi ka pa,pwede namang magpalipas tayo ng gabi dito pagkatapos bukas ng madaling araw na tayo aalis" napabuntong-hininga ang kaibigan at sumang-ayon na lamang dito.

Kidnapped By Valen Grut - Trio Series #1حيث تعيش القصص. اكتشف الآن