Chapter 14

111 24 0
                                    

Chapter 14 :

Maaga akong nagising kanina kaya maaga din akong aalis,okay na sa akin ang makapag-day off ng kalahating araw lamang ngunit sa kalahating araw lang marami na ang nangyari.

Mabilis lang akong nakarating sa pinagtatrabahuan ko at naroroon na si Dino,may nakapaskil na malapad na ngiti ang kanyang labi nang makita ako at lumapit siya sa akin.

"Goodmorning bessywaps! How's your sleep?" He asked,inirapan ko siya at nag-time in na ako sa machine.

"Maganda ang tulog ko,sayo ba? Kamusta ang date mo?" Tanong ko at naglakad kami patungo sa loob ng staff room saka inilagay ang aking dalang bag sa locker.

"So far so good naman,Oo nga pala diba na-delayed yung delivery ng kwintas na in-order ni Mr. Grut?"

"Oo,bakit? Dadating na ba ngayong araw?"

Dapat kasi noong ikalawang araw pa ito dadating ngunit na postponed at na-moved ang pagpapadeliver kaya natagalan at alam na yun ni Valen.

"Oo tapos sabi ni Boss ikaw daw ang mag-deliver para sigurado at special favor daw yun kaya hindi siya tatanggap ng NO" paliwanag ni Dino na ikinangiwi ko.

"Bakit ako? Assistant Manager lang ako,diba dapat sila na ang mag-dedeliver nun?"

Dino brush his hair up. "My gosh! Oo ako nga pero ikaw naka-closed ng deal kaya ikaw ang magdedeliver atsaka wala ka ng magagawa,utos na yun ni Boss"

Nakabusangot akong tumingin sa kanya,bakit ako? Atsaka kung tutuusin marami namang staff eh.

"Fine,sabihan mo nalang ako mamaya kung nandyan na ang item" napipilitan kong litanya at aalis na sana ngunit hinigit niya ako pabalik.

"Nandyan na ang item pero mamayang hapon mo pa yan idedeliver"

"Edi mabuti" sagot ko at aalis sana ulit ngunit hinigit niya na naman ako.

"Nako Dino kapag hindi ako nakapagpigil makakatikim ka ng sapak sa'kin" naiinis kong ani sa kanya,hindi pa niya kasi sinasabi ng buo at kailangan niya pang palakarin muna ako tapos hihigitin pabalik tsk!.

"Ang high blood mo naman ngayon bakit? Alam mo na ba kung saan mo idedeliver?"

"Oo,nakalagay naman ang address niya sa pinirmahan niyang papeles diba" confident kong sagot.

"Mali! Idedeliver mo ang kwintas na yan sa port ni Mr. Krust"

Napakurap-kurap ako ng ilang beses,bakit doon pinapadeliver ang in-order ni Valen? Diba dapat sa bahay niya?.

"Bakit hindi sa bahay niya? Sinabi ba sayo kung bakit?" Sunod-sunod kong tanong.

"Sabi daw advance Birthday Celebration at nandoon si Mr. Grut kaya walang tao sa kanyang bahay kaya ipinabibigay sayo 'to ni Mr. Krust and also wear something decent"

Naiinis kong tinampal ang braso ni Dino kaya nabitawan niya ang kanang braso ko na hinigit niya kanina.

"Ouch! Ang sama mo,hindi na tayo bespwen"

"Sabunutan kita dyan eh,decent naman ang mga damit ko ah. Ano pa bang decent ang gusto mo?"

Napadaing ako ng hilahin niya ng konti ang aking buhok.

"Shunga! Ang ibig ko sabihin wear something like dress at 'wag na 'wag kang mag-jeans at t-shirt doon" sagot niya at inilagay ang maliit na blank white paper sa aking kamay.

"Aanhin ko 'to?" Nakakunot-noong tanong ko sa kanya.

He smiled. "Kainin mo,paper candy yan"

"Gaga! Syempre yan ang proweba na invited ka sa event" dagdag niya na ikinanguso ko,ang aga-aga senesermonan niya na ako.

Kidnapped By Valen Grut - Trio Series #1Where stories live. Discover now