Chapter 7

190 38 0
                                    

Chapter 7 :

NAMUMULA ang kanyang magkabilang pisnge na bumati sa kambal at nginitian siya ng mga ito saka hinila papalayo sa silid ni Valen,alam niyang iinterviewhin siya ng mga ito kaya hinanda niya na ang kanyang sarili sa mga tanong ng kambal at hindi nga siya nagkakamali ng unang magtanong si Aran.

"Sigurado ka bang kaibigan ka lang Ate? Imposible naman ata na kaibigan ka niya tapos hahalikan ka niya sa labi diba atsaka parang kanina lang pinagbagsakan ng langit at lupa si Kuya Valen tapos ngayon parang anghel na tinubuan ng pakpak ng manok este pakpak ng anghel ba yun?" Mahabang litanya ni Aran sa kanya.

"Magkaibigan lang talaga kami ni Valen" insist ni Liova kahit na gusto niyang sabihin sa dalawa kung bakit siya nandito at hindi maaring sabihin sa dalawa dahil baka masama pa sila sa gulo tanging si Nanay Beng lang ang nakakaalam kung bakit siya kasama ni Valen.

"Ayy! Sayang naman! Pero kung couple siguro kayo hindi na kami magtataka kung bakit may ganun diba Aran!" tili ni Eren saka hinampas ng mahina sa braso ang kakambal at kinikilig ding sumang-ayon si Aran.

Napailing-iling na lamang si Liova at minasahe ang kanyang noo habang nakikinig sa mga kilig at tili ng dalawa,napaayos siya ng tayo ng may nag-tap ng kanyang ulo at ng tingalain niya ito nakangiting Valen ang sumalubong sa kanya.

Good mood na ba siya ngayon? Tanong niya sa kanyang sarili dahil parang kanina lang ayaw siya nitong pansinin pero ngayon ito pa talaga lumapit sa kanya at nakangiti na ito.

"Tara na at kumain na tayo" ani niya at mabilis na tumango ang dalawa saka naunang umalis habang si Liova naiwan kay Valen,nakatingala parin siya dito at nakakunot ang noo.

" 'Wag mo nga akong tignan ng ganyan" naiilang na litanya ni Valen saka naunang maglakad,tiningnan niya lang ang likod nito hanggang sa makalayo. Hindi parin niya alam kung ano ang nangyari dito kanina pero kung magtatanong naman siya dito siguradong may kapalit ito,saan ba siya lulugar?.

Napakibit-balikat na lamang ang dalaga at sumunod sa binata,dumistansya siya dito ng kaunti dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin nito sa kanya at isa pa naghaharumintado ang kanyang puso kapag malapit siya sa binata kaya mas mabuti ng dumistanya ng kaunti rito.

Masyado siyang nahihipnotismo kapag naamoy niya ang manly scent nito,bakit siya ganito sa binata? Eh hindi siya ganito sa kanyang Ex fiance,nakarating sila sa hapag kainan na tahimik at nagsimulang kumain habang pasulyap-sulyap sa kanila ang kambal at nagsisikuhan ito. Hinayaan na lamang ni Liova dahil ayaw niya naman itong sitahin sa harap ng hapagkainan at isa pa baka sabihin ng mga ito na masama ang ugali niya.

Pagkatapos nilang kumain tumungo siya sa labas ng bahay at naglakad-lakad sa bakuran para malaglag ang kanyang kinain ngunit aksidente siyang napatingin sa itaas at nakita niya sa veranda si Valen na nakatingin din sa kanya at nangalumbaba ito saka kinindatan siya,mabilis pa sa alas kwatrong tumalikod ang dalaga at mabilis na naglakad palayo ng bahay,ramdam na ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisnge.

Hindi niya inaasahan na kikindatan siya ng binata at ganun kalaki ang epekto sa kanya,Hindi niya na namalayan na nakarating na pala siya sa isang court sa village at may grupo ng kalalakihan ang naglalaro ng basketball. Umupo siya sa gilid at nanuod rito ngunit makalipas ang ilang oras nakatingin na siya sa sahig ng court at iniisip ang mga nangyare.

Maybe naga-gwapuhan lang siguro ako sa kanya kaya ganito ako umasta? Tama! Naga-gwapuhan nga lang ako sa kanya at wala ng iba dun! Kausap niya sa kanyang sarili.

"Miss Lovesick kamusta?" Ani ng isang boses at magkaparis ng basketball sports shoes ang sumalubong sa kanya,tiningala niya ito at agad siyang napairap ng makita ang Doktor na tumingin sa kanya noong nagpakonsulta siya.

Kidnapped By Valen Grut - Trio Series #1Место, где живут истории. Откройте их для себя