Chapter 1

467 53 3
                                    

Chapter 1 :

10 years after ~

"Just like the day that I met you
The day I thought forever
Said that you love me
But that'll last for never
It's cold outside
Like when you walked out my life
Why you walked out my life?" Kanta ni Samael habang pinapalipad ang ginawang papel na eroplano.

"I get like this every time
On these days that feel like you and me
Heartbreak anniversary
'Cause I remember every time
On these days that feel like you and me
Heartbreak anniversary" dugtong ni Reav'n at mapang-asar na tumingin kay Valen na bahagyang masama ang tingin sa kanilang dalawa.

"Wala ba kayong magawa sa buhay niyo?" Nagtitimping tanong niya sa kaibigan. "Wala kaya nga kami nandito para libangin ka" mabilis na sagot ni Samael.

Snap!

"Bingo bro! Ayaw naman naming makita ang kaibigan naming miserable sa pag-ibig kaya mag-iinuman tayo!" masayang litanya ni Reav'n at nagliwanag ang mukha ni Samael habang si Valen ay napapamasahe na lamang ng kanyang noo,sumasakit ang ulo niya dahil sa dalawang ito.

"Libre ba yan? Sasama ako kapag libre" nakangiting litanya ni Samael. "Wala ng libre sa mundo kaya magkanya-kanya tayo nuh" nawala ang malapad na ngiti ni Samael dahil sa sagot ng kaibigan.

"Napakakuripot mo talaga!" Singhal niya. "Hindi ako kuripot,sadyang matipid lang ako" umiirap nitong sagot.

"Lumayas nga kayo sa opisina ko!" sigaw ni Valen na nakapagpatigil sa sagutan ng dalawa. "Bakit aming mabait na kaibigan? May nagawa ba kaming kasalanan?" madamdaming tanong ni Reav'n.

Hays.

Buntong-hininga niya saka sumagot sa kaibigan. "Kung wala kayong magawa sa buhay niyo magbigti kayong dalawa,nakakaistorbo na kayo sa kompanya ko" naniningkit-matang ani niya at tinawanan lamang siya ng dalawa.

"Oww! Valen,alam naming hindi kami nakakaistorbo. Una dahil ikaw ang nagpatawag sa amin para pumunta dito at pangalawa naiinis ka sa amin kasi hanggang ngayon hindi mo pa siya nakikita" natatawang usal ni Samael na tinamaan siya ng malakas,tama nga ang kaibigan. Naiinis siya dahil sa mga pinagsasabi ng dalawa at hanggang ngayon hindi niya parin nakikita ang babae.

Mahirap maghanap ng tao kung hindi mo naman alam ang pangalan nito kahit paimbestigahan mo pa,wala namang saysay dahil wala namang pangalan na sisimulan ang pag-imbestiga.

"Valen-Valen-Valen,makinig ka dapat sa amin kami ang kuya mo kaya dapat lang na sundin mo kami" umiiling na ani ni Reav'n at gumawa ng eroplanong papel. "Yeah right" he snorted dahil alam niyang mas batang umakto ang dalawa kesa sa kanya.

"Isama nalang kaya natin ngayon si Valen para mawili naman siya at mawala sa isipan niya sandali ang pinakamamahal niyang babae" tumaas ang kanyang isang kilay dahil sa sinabi ni Samael. "At saan niyo naman akong balak dalhin? 'wag na kayong mag-abala na yayain ako kung mag-iinuman na naman tayo" mabilis na sagot niya.

"Hindi ka naman namin dadalhin sa inuman" bored na litanya ni Reav'n kaya nabaling dito ang kanyang atensyon. "Kung hindi sa inuman,eh saan?" Nakangiting tumayo ang dalawa saka lumapit sa kanya,hindi maganda ang kutob niya sa mga ngiti nito kaya naman pumunta siya sa kabilang bahagi ng kanyang desk para lumayo sa dalawa.

"Kung ano man ang iniisip ninyo! 'Wag niyo ng ituloy!" Utos niya at mas lumapad pa ang ngisi ng dalawa. "Playing hard to get huh" ngising-ulol na usal ni Samael.

"Gago! Hindi ako babae para sabihin mo yan!" minsan talaga subrang nakakatakot ang kanyang mga kaibigan dahil sa mga binabalak nito. "Babae lang ba ang dapat na sabihan nyan?" Inosenteng tanong ni Reav'n.

Kidnapped By Valen Grut - Trio Series #1Where stories live. Discover now