Chapter 3

300 47 0
                                    

Chapter 3 :

"Thank you" pagpapasalamat ni Liova sa binatang katabi niya. "I didn't do much,kumain nalang tayo at 'wag mo na silang isipin" nakangiting sagot ni Valen.

Marahang tumango si Liova at tahimik silang kumain pagkalipas ng ilang minuto tapos na silang kumain,sunod na dumating ay ang dessert. Busog na si Liova ngunit nahihiya siyang tanggihan ang binata,napatingin siya kay Valen ng kumuha ito ng mochi.

" 'Wag mong pilitin ang sarili mo kung ayaw na ng tyan mo,dalhin mo nalang ang iba sa pag-uwi mo or ipamigay mo sa mga kasamahan mo sa trabaho" mahabang litanya ni Valen at tumango-tango siya bilang sagot.

Kumain lang ng mochi si Valen at agad na pinabalot na nito ang mga natira,tiningnan ni Liova ang kanyang relo at limang minuto na lamang balik na sa trabaho. Nang maibigay na ng waiter ang mga pinabalot ni Valen agad na nilang nilisan ang lugar,hinatid siya ni Valen hanggang sa Jewelry shop at inabot dito ang mga pagkain.

"Salamat ulit,Mr. Grut" nakangiting pagpapasalamat niya at tinanggap ang mga supot na naglalaman ng pagkain,Valen let out a chuckle na masarap sa pandinig ni Liova. "I told you,just call me Valen".

Tumango si Liova bilang pagsang-ayon. "Will,see you around?" Ani ng binata. "See you around,Valen" sagot ni Liova at nagpaalam na ang binata sa kanya,nakangiti siyang pumasok sa loob saka ipinamigay sa kanyang mga kasamahan ang mga pagkaing ibinigay sa kanya ni Valen at masayang tinanggap ng mga ito.

Lumapit kay Liova ang kanyang Manager saka sinindot ang tagiliran niya. "Kilala mo pala si Mr. Grut hindi ka man lang nagsasabi" ani nito na ikinunot ng kanyang noo.

"Kilala mo siya?" Takhang tanong niya at umirap ang kanilang Manager. "Of course! sino ba dito ang hindi nakakakila kay Mr. Grut? Raise your hand" anunsyo ng lalaki at walang may tumaas ng kamay.

"See,lahat kami dito kilala siya at ikaw lang hindi. My gosh! Liova saang lupalop ka ba ng mundo nanggaling?" Natawa na lamang si Liova sa tanong ng Manager,bakla ang lalaki kaya ganito ito magsalita.

"Hindi ko naman ganun kakilala si Valen,I just meet him 10 years ago sa bar-...." hindi pa natatapos ni Liova ang kanyang dapat na sasabihin ng mapasinghap ang Manager at nanlalaking-matang nakatingin sa kanya. "May nangyari ba sa inyo 10 years ago?!" Excited na tanong nito.

"What?! Wala nuh! Nagpakilala lang siya sa akin pagkatapos nun umalis na ako" paliwanag niya na ikinanguso ng Manager. "Sayang naman! mukhang masarap pa naman si Fafa Valen" nakangising ani ng Manager na tinawanan lamang ni Liova.

Alam niyang nagbibiro ito kaya tinatawanan niya na lamang. "So,kamusta pala ang LUNCH DATE with Mr. Valen Grut?" Tanong ng Manager na may halong pang-aasar na nagpatibok ng mabilis sa kanyang puso,hindi niya inisip kanina na lunch date yun.

"Stop Dino,it's not a Lunch Date" nakangiwing sagot niya. "Talaga? Eh ba't ka namumula?" Pang-aasar pa nito. "SIR DINO,kailangan ko na pong bumalik sa aking trabaho at bumalik ka na rin po sa iyong trabaho bago pa tayo mapagalitan ng masungit na may ari ng mall" sinadya niya talagang diniinan ang pangalan ng Manager para tumigil na ito sa pang-aasar sa kanya at nagtagumpay nga siya dahil mabilis itong bumalik sa trabaho.

Ipinilig niya ang pag-iisip ng sumagi ulit sa kanyang isipan ang sinabi ng Manager saka ang pagligtas nito sa kanya sa restaurant kanina, "Stop it Liova! hindi yun Lunch date,isang simpleng pasasalamat lang yun sayo" pagpapaalala niya sa kanyang sarili at itinuon na muli ang kanyang atensyon sa trabaho.

PAGKAALIS ni Valen ng Mall agad niyang dinayal ang number ni Reav'n,katulad ng dati isang ring palang nito agad ng sinagot ng kaibigan.

"Gusto kong i-ban mo sa lahat ng malls,hotels and beaches mo si Stacy Montrella at ang Fianće nito" bahagyang natahimik ang kabilang linya dahil sa utos ni Valen. "Val,ano ang nakain mo?" Tanong ng nasa kabilang linya.

Kidnapped By Valen Grut - Trio Series #1Where stories live. Discover now