92

338 10 0
                                    

•Mine Alvarez
online

Mine:
Nakapasok ka nang mansion?

Jenna:
Oo sa tulong ni Meena pinapasok na kami ng guard pero

Mine:
Anong pero???

Jenna:
Hindi namin mahanap si Ford. Wala siya sa kwarto niya. Nilibot na namin buong mansion wala talaga siya. Lahat na ng bisita sa lamay ng mama niya nag-aalala na. Pati Papa niya halos atakehin na sa puso.

Mine:
Jusko! Ano nang nangyari kay Ford???

Jenna:
Wala ring may alam. Ang alam lang daw ng mga tao rito, tulog lang daw si Ford sa kwarto niya.

Mine:
Oh, eh, anong plano niyo ngayon?

Jenna:
Nasa kotse ako nila Meena. Papunta kaming police station para matulungan kami paghahanap. Huwag naman sanang gumawa ng kung ano ung si Ford

Mine:
Huhu sana ngaaaa. Alam kong depressed siya sa pagkamatay ng Mama niya pero hindi naman siguro niya magagawang saktan ang sarili niya 'no? 😟

Jenna:
Hindi ko alam, Mine. Sana lang talaga walang masamang mangyari sa kaniya. Sige, mamaya na ulit. Narito na kami sa police station

Mine:
Sige huhu tutulong na din ako. Magtatanong-tanong ako rito

HE STOLE MY PHONE [EPISTOLARY | COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon