82

342 14 0
                                    

BARDAGULAN ATBP

Jenna:
Himala

Mine:
Ha?

Jenna:
Buong araw siyang di nagparamdam sa akin

Mine:
👀

Miss mo? 😌

Jenna:
Hindi 'no!

Mine:
Ay, ang defensive ni bakla

Jenna:
Alanganamang umagree ako ket hindi naman talaga

Mine:
Eh baka naman kasi busy lang ung tao, hindi lang naman sa iyo umiikot ang buhay niya

Jenna:
Luh pinagsasasabi mo diyan, nagtaka lang naman ako. Hindi naman ako nagrereklamo o ano. Mas okay nga 'to kesa buong araw niya ako pestehin kagaya nitong mga nagdaang araw

Mine:
Eh ba't hindi mo siya tanungin at kumustahin kung mukha namang nag-aalala ka

Jenna:
At sino may sabing nag-aalala ako?!

Mine:
👀

Jenna:
Ewan ko sa iyoooo... bakit ba kamping-kampi ka sa lalaking iyon ket halata namang ginagamit lang ako

Mine:
Sus, ginagamit saan? Eh kung gagamitin lang din naman bakit ikaw pa eh ang daming mas disenteng nakapalibot doon sa tao. Ba't niya ipagsisiksikan ang sarili niya sa iyo eh napakakunat mo rin naman.

Jenna:
Medyo offensive, ah. Bwxt ka!

Mine:
Honest lang 😁 Maganda ka naman kasi, pero tingnan mo naman sila Meena. Ibang-iba si Meena at ang mga ex niya sa iyo. Hindi ang katulad mo ang mga type niya

Jenna:
Eh diba mas nakakapagtaka nga iyon. Ba't siya magkakagusto sa akin kung hindi ako tulad ng mga tipo niya?

Mine:
Iyon nga, hindi ka niya type so bakit ka niya pag-aaksayahan ng oras? Ako kasi kapag hindi ko type ang isang tao, ba't ko siya lalandiin diba? Unless naging blinded na ako at natamaan na sa kaniya, in a different way na hindi ko pa nararamdaman kahit kanino.

Ewan ko kung may sense 'tong mga sinasabi ko. Pero you know what I mean... if napagod siya ngayon kakahabol sa iyo, baka nga ginamit ka lang niya. Pero who knows, di naman natin alam talaga ang nararamdaman niya so mahirap mag-assume

Jenna:
You mean...

Mine:
I mean, may chance na mapagod siya sa iyo. Natauhan ka 'no? Akala mo siguro habambuhay ka susuyuin ng tao hanggang sa kamatayan niya, eh. Gising ghorl, ang mga lalaki hindi tulad ng mga babaeng palaging may double meaning sa mga sinasabi. Ang mga lalaki kapag sinabi mong ayaw mo, maiiintindihan na nilang ayaw mo. Hindi tulad ng mga babae na kapag sinabi niyang "bahala ka." iba-iba meaning niyan.

Jenna:
Alam mo ikaw, ang dami mong sinasabi. Mga wala namang sense.

Mine:
Basta pag-isipan mo. Naloloka ako sa iyo

Jenna:
Oo na!

HE STOLE MY PHONE [EPISTOLARY | COMPLETED]Where stories live. Discover now