65

433 15 4
                                    

•Ford Hernandez
online

You called Ford Hernandez.
End the Call | Speaker

"Bakit hindi ka pa rin umuuwi sa inyo? Diba sabi ko umalis ka na?"

"Diba sabi ko rin hindi ako aalis hangga't hindi mo 'ko kinakausap?"

"Ano pa bang pag-uusap ang gusto mo, Ford? Kausap na kita kanina. Kausap na rin kita ngayon. Ano, okay na ba? Pwede ka nang umuwi?"

"I want to talk to you properly. 'Yung maayos, 'yung hindi ka galit. Gusto ko makausap ang masayahin na Jenna na kilala ko."

"Tss. Sige. Isang oras. Isang oras lang ang ibibigay ko. Sabihin mo na ngayon at pag-usapan natin para lang matahimik ka."

"Mas magandang personal, Jenna. Go here."

"Ayoko, papagalitan ako ni kuya. Bilisan mo na."

"Gusto kong malaman kung ano bang nangyayari sa iyo. Ba't ganiyan ka na sa akin?"

"Anong ibig mong sabihin? Wala akong ginagawa sa iyo."

"Tulad niyan, ang taas ng tono mo na naman. Galit ka ba?"

"Hindi!"

"Bakit nga? May nagawa ba ako? Sabihin mo naman para hindi ako nangangapa at nag-o-overthink dito."

"Dahil nga may girlfriend ka na. Hindi magandang tingnan na nagiging caring at concerned ka sa akin. Baka mamisinterpret ng girlfriend mo at maging sanhi pa ako ng pag-aaway ninyo."

"Iyon lang ba talaga?"

"Pucha, Ford, ano pa bang gusto mong marinig?"

"Na gusto mo ako."

"Tss. Para saan? Para madiligan iyang ego mo? Para lumaki ang ulo mo dahil dalawang babae ang baliw sa iyo? Oo, Ford, gusto kita! Oo! Ano masaya ka na? Kaya tantanan mo na ako! Huwag mo na akong pahirapan pa."

You ended the call.
Okay | Call Again

HE STOLE MY PHONE [EPISTOLARY | COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora