75

389 12 0
                                    

BARDAGULAN ATBP

Carol:
@Jenna!!!!

Jenna:
Ano?

Carol:
Nagsusumbong 'tong nireto ko. Why is there a boy daw na nanggulo sa pagbisita niya sa house mo?

Mine:
Ang arte mo, Carol! Halos hindi ko na maintindihan iyang chat mo

Jenna:
Tss. Pasabi ulit na sorry. Pumunta rin kasi si Ford at nanggulo hays

Mine:
Waw haba ng hair niyarn? Dala-dalawa ang manliligaw?

Jenna:
Hindi ko sila manliligaw

Mine:
Ano lang?

Jenna:
Isang bisita at isang bwisita

Mine:
Anong sabi ng kuya mo? Hindi ba nagalit?

Jenna:
Ba't magagalit? Natutuwa pa nga dahil andaming pagkain na dinala nitong Ford, ito namang nireto ni Carol may dala ring chocolates na kinain din ni Kuya

Mine:
Ay pak! Tataba ka sa mga manliligaw mo mare. Maganda yarn

Jenna:
Che! Nakakastress nga, eh. Ayaw talaga tumigil nitong Ford kairita

Mine:
Wews, kairita? O baka naman deep inside kinikilig yarn?

Jenna:
Anong sinasabi mo diyan?

Mine:
Baka akala mo nakakalimutan naming may gusto ka rin dun sa tao

Jenna:
So?

Mine:
Okay, kahit hindi mo na aminin dito sa amin. Pero pag-isipan mo. Kapag napagod yang si Ford kakasuyo sa iyo, baka ikaw din ang magsisi sa huli. Mukha kasing enjoy na enjoy kang pinipilit nung tao iyong sarili niya sa iyo

Jenna:
Tss. Edi dun natin malalaman kung totoo nga talagang gusto niya ako o trip-trip lang. Kung totoong gusto niya ako, kahit anong taboy ko sa kaniya hindi siya susuko

Mine:
Ikaw ang bahala. Pinapaalalahanan lang kita, baka sa huli ikaw naman ang maghabol.

HE STOLE MY PHONE [EPISTOLARY | COMPLETED]Where stories live. Discover now