56

456 17 0
                                    

BARDAGULAN ATBP

Mine:
Sinasabi ko na nga bang hindot ka, eh. Anong sinabi ko sa iyo dati?

Jenna:
Hindi ko pa sure, okay?

Mine:
The fact na pinag-iisipan mo, meron na iyan! The fact na naguguluhan ka, meron iyan! Gusto mo siya period. Pero kalimutan mo iyang nararamdaman mo kasi may jowa ung tao, ano ka martyr?

Jenna:
Hindi ko siya gusto. Naguguluhan lang ako.

Mine:
In denial pa amp

Carol:
Hello, what's happening ba?

Mine:
Manahimik ka, Carolina. Seryosong usapan 'to.

Carol:
Hmp am I not allowed to talk during a serious discussion? Anong tingin mo sa akin, joke?

Mine:
Nakisabay pa talaga siya hays

Carol:
Ewan ko sa iyo, Minerva.

Basta ang masasabi ki lang diyan, Jenna, ngayon pa lang sumama ka na sa akin. Let's bar hunting para naman makalimutan mo iyang thief na iyan.

Mine:
Bar hunting? Eh akala ko ba okay na kayo ni Mark?

Carol:
Mark? Who's that? Ah ung gago na ka-date ko kahapon tas may jowa naman pala at kabit lang ako.

Mine:
Shuta????

Carol:
Oo na, Mine. Feel free to rub it on me. Sabihin mo na kung gaano ako katanga. Tatanggapin ko.

Mine:
Gago, anong akala mo sa akin? Wala ka namang kasalanan kung talagang gago ung tao. Alam niyo, gumimik na lang tayo later. Timing na timing since broken kayong dalawa

Jenna:
Inamo!

May pasok bukas.

Carol:
Ditch it.

Jenna:
Ayoko 'no. Kayo na lang kung gusto niyo.

Mine:
Ayaw mo talaga? Ililibre ko pa naman kayo

Jenna:
Weh?

Mine:
Oh, pag libre talagang nabubuhayan ng dugo.

Jenna:
Gago ka, sige na nga sasama na ako. Saglit lang tayo, ah. At hindi ako iinom dahil may pasok bukas. Linggo ngayon at dapat nga'y nag-aaral ako.

Mine:
Lunes hanggang Biyernes ang pasok, duh. Ipahinga mo naman ang sarili mo pag weekend.

Jenna:
Oo na nga, anong oras ba?

Mine:
Anong oras daw, Carolina?

Carol:
Why me?

Mine:
Ikaw maghahatid sa amin gamit ang kotse niyo, remember? Kala mo bago sa kaniya 'tong paggimik tss.

Carol:
9PM, keri?

Jenna:
Ipagpaalam niyo ko kay kua

Carol:
Duh what's new?

Mine:
Lagi ka naman naming pinapag-paalam. Mag-ready na kayo, ah. On time dapat, pag late kukutusan

HE STOLE MY PHONE [EPISTOLARY | COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon