25

745 18 3
                                    

BARDAGULAN ATBP

Jenna:
Mga bakla 😭

Carol:
What?!

Jenna:
Ang tanga ko 😭

Mine:
Alam namin

Jenna:
Che! Tumigil ka muna
kakaganiyan mo
seryoso 'to

Mine:
Oh? Anyare ba?

Carol:
Ford courts you na?!

Jenna:
Gaga hindi! Pero tungkol
kay Ford 'to 😭😭😭

Mine:
Sabihin mo na

Jenna:
Ang tanga-tanga ko talaga 😭

Mine:
Sasabihin mo ba o
ikikick kita rito sa gc?

Jenna:
Ito na nga sandali lang 😭

Kilala niyo ba kung
sinong gf ni Ford ngayon?

Carol:
Yes, si Meena Shay.
The famous tiktoker.
What's the matter ba
with her?

Jenna:
Ang tanga ko kasi

pagbukas ko ng data
ng phone ko na binalik
ni Ford, may sumulpot
na chathead.

Akala ko acc ko ang
maka-log in sa Messenger.
Account pala ni Ford 😭

Carol:
O-okay? What does
Meena have to do
with that?

Jenna:
Iyong chathead 😭 Chathead
ni Meena Shay 😭 Tapos nakipagbreak siya kay Ford
dahil sa mga sinagot ko 😭

Wait i-send ko ss

Jenna sent a photo.

Mine:
HAHAHAHAHA tanga!

Jenna:
Aray ko naman 😭 Huwag
mo namang ipagduldolan
sa akin 😭

Mine:
Eh antanga naman kasi talaga 😂

Carol:
Hey! Nagkamali lang siya.
No need to be harsh
@Mine 🙄

Mine:
Oh ano nang gagawin
mo diyan? Patay ka kay
Ford niyan. Ihanda mo
na sarili mo 🤣

Jenna:
Wait, kasalanan niya
din naman dahil nag-log
in siya sa cellphone na
hindi naman kaniya 😭

Mine:
May point ka diyan,
pero tanga ka pa rin 🤪

Jenna:
😭😭😭

Carol:
Don't mind @Mine.
Ako na lang kakausap
kay Meena. Medyo close
naman mga Daddy namin
so baka magawan ko ng paraan.

Jenna:
Gagawin mo talaga? 🥺🥺🥺

Carol:
Yes naman ☺ For now,
si Ford muna intindihin mo.

Jenna:
Iyon na nga eh,
natatakot ako 😭

Mine:
Hindi pa ba tumatawag
or nagtetext about
diyan sa katangahan mo?

Jenna:
Nagtext pero sinabi lang
na i-log out ko acc niya
sa Messenger 😭

Mine:
So hindi pa niya alam 🤔
May time ka pang mag-ready 🤣 Ihanda mo na ang sarili
mo sa gyera.

Jenna:
Ayan na 😭
Nag-text na siya 😭

HE STOLE MY PHONE [EPISTOLARY | COMPLETED]Where stories live. Discover now