81

377 16 3
                                    

BARDAGULAN ATBP

Mine:
Luh anong love-love?! Talaga bang sinabi niya iyon sa iyo kagabi? Baka naman guni-guni mo lang iyon

Jenna:
Oo nga! Dinig na dinig ko! Sayang nga't hindi ko na-record

Mine:
Luh

Jenna:
Oh bakit? Para lang may proof ako't hindi mo jinajudge ngayon

Mine:
Kinikilig ka 'no?

Jenna:
Kinikilig saan? Natatawa nga aq sa kaniya, eh

Mine:
Natatawa? Asus, ganiyan ka kiligin eh, tawa ka nang tawa

Jenna:
Che!

Mine:
At nagkunwari pang tulog, asus!

Jenna:
Bwct ka alam mo un?

Mine:
Aminin mo na lang kasi na may gusto ka pa rin talaga doon sa tao. Aminin mo na kinikilig ka sa panunuyo niya sa iyo

Jenna:
Hindi 'no!

Carol:
Hi, guys! Sorry for missing out. Nag-sha-shopping kami ni Mom. Chat ako later.

Jenna:
Ingat kayo!

Mine:
Madapa ka sana

Carol:
🙄

Mine:
Charot lang! Ingat ka, Carolina!

Btw, mabalik tayo sa topic, ano nang plano mo?

Jenna:
Plano saan?

Mine:
Engk! Wrong question! Plano "kanino"

Jenna:
Diretsuhin mo na kasi

Mine:
Sungit, ah. May dalaw ka 'no? BWAHAHAHAHA

Jenna:
Sasabihin mo ba o hindi?

Mine:
Gaga plano kay Ford! Anong plano mo kako kay Ford?!

Jenna:
Ba't ko kailangang planuhin? Tss

Mine:
So hahayaan mo na lang talaga siyang maghabol sa iyo?

Jenna:
Hindi pa rin ako kumbinsido sa mga sinasabi niya. Mahirap sumugal sa kaniya, Mine. Nagtataka pa rin ako paanong nangyaring gusto na niya ako bigla.

Mine:
Kailangan pa ba niyang kumain ng apoy para makumbinsi ka niya?

Jenna:
Sunugin ko siya, eh

Mine:
Ay grabe siya

Jenna:
Patunayan niya muna sa akin na totoo ang sinasabi niya bago ako maniwala. Natatakot ako masaktan sa kaniya, mabuti nang sigurado

HE STOLE MY PHONE [EPISTOLARY | COMPLETED]Where stories live. Discover now