87

324 12 0
                                    

•Mine Alvarez
online

Mine:
Aksidente raw ang ikinamatay. Iyan siguro ang dahilan kaya hindi siya nagpaparamdam sa iyo. Dahil sa nanay niya

Jenna:
Kausapin ko ba siya dapat?

Mine:
Gaga dapat lang! Kailangan ng karamay nung tao. Dali na!

Jenna:
Bakit kasi hindi ko alam na may pinagdadaanan pala iyong tao? Tatlong linggo akong walang kaalam-alam

Mine:
Hindi mo kasi kinakausap. Gusto mo kasi ikaw ang laging susuyuin. Ghorl, bakit ba hindi mo na lang siya pinatigil noon kesa paasahin?

Jenna:
Kung alam mo lang kung ilang beses ko na siyang sinabihang tumigil pero kakambal na yata ng kakulitan ang taong iyon, eh.

Mine:
Na naeenjoy mo naman kaya deep inside ayaw mo siyang tumigil

Jenna:
Tinetest ko lang kung talagang totoo ang kine-claim niya na gusto niya ako. Sa dami ng pinagdaanan niyo ni Carol sa lovelife, nadala na ako sa mga experiences niyo 'no. Nakakatakot kaya lokohin.

Mine:
May point ka rin naman. Pero kausapin mo na siya ghorl. Kailangan ka niya...

Jenna:
Heto na nga. Pero ano bang sasabihin ko?

Mine:
Kumustahin mo muna

Jenna:
"Kumusta? Okay ka lang?" Hays, para namang obvious na ang sagot sa mga iyan, baka ma-offend lang siya. Isipan mo 'ko ng pwedeng chat sa kaniya

Mine:
Eh, sino ba may sabing sa chat mo siya kakausapin?! Pumunta ka sa kanila!

Jenna:
H-ha???

Mine:
Sa pinagdadaanan nung tao, hindi na iyon makakapag-pesbuk o mesendyer pa. Puntahan mo na lang personal para makapag-usap na rin kayo

Jenna:
Hindi ba nakakahiya? Pinagtabuyan ko siya tas saka naman ako lalapit-lapit?

Mine:
Wala nang oras para mahiya! Gora na!

Jenna:
Samahan mo ko

Mine:
Taena ano ka bata?! Kaya mo na iyan!

Jenna:
Natatakot ako

Mine:
Huwag ka matakot. Magpagpag ka na lang bago ka umuwi sa inyo para di ka multuhin

Jenna:
Gaga hindi ganung uri ng takot! Kay Ford ako natatakot

Mine:
Bakit?

Jenna:
Baka hindi niya ako pansinin. Galit na ata o kaya nagtatampo iyon sa akin sa dami ng pagtataboy ko sa kaniya

Mine:
Baka, ata. Hindi naman sigurado, eh! Paano mo malalaman kung di mo susubukan. At saka diba ung huli niyong pag-uusap nagpapasalamat siya kasi binigyan mo siya ng chance na ipakita na sincere siya sa nararamdaman niya sa iyo? Ganoon ba ang nagtatampo? Go ka na kasi!

Jenna:
Sige, pero wala ka talagang balak sumama?

Mine:
PUMUNTA KA NA!

HE STOLE MY PHONE [EPISTOLARY | COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant