Chapter 14: Slowly Changing

Start from the beginning
                                    

"I understand." We quickly made our way towards one of the building of this school. Hindi pa yun tapos kaya walang estudyanteng makikita na naririto. I guess, mas safe kung dito kami mag-uusap.


I held both of Bree's shoulders. "Now, pwede mo na bang sabihin sa akin kung anong gumugulo sayo? Be honest."


She seems hesitant pero maya-maya rin ay nakita kong tumango sya.


"Ashleene, she's dangerous. It's much better kung lalayuan mo na sya hangga't maaga pa. You don't have much time left. Madadamay ang mga taong lalapit sayo." Sunod-sunod nitong saad. I can see fear on her eyes.


"Sino sya?" Wala kasi akong ideya kung sinong tinutukoy ni Bree. She heaved a deep sigh. "Si Freyja Akane Mitsuki. The SC President."


I let out a forced laugh to ease the awkward tension on our atmosphere. "Baka naman mamaya ay nasobrahan ka lang sa kapapanood ng mga movies ha. Wait. Kumain ka na ba? I'll treat you food if you want."


Napapikit ako nang mariin. I refused to believe what she've said. I know, nagkakaroon ako ng bias sa gantong sitwasyon.


Pero kasi naman eh.... Hindi ko maimagine na magagawa yun ni Freyja. She's a strict SC President but when it comes to me, she's a softie. Parang hindi nga sya makabasag-pinggan. Alam kong hindi rin sya sadista.


I remembered Zarrain. Why do they keep stating that Freyja's dangerous? Maybe that's true, hindi ko pa lang talaga nakikita ang side nya na yun.


"Ashleene, nasa tamang wisyo pa naman ako. Alam ko kung sinasabi ko. And I'm 100% sure that she did that." She stopped from her track and gulped. Suddenly, I noticed that she's trembling.


I silently cursed under my breath. This is a serious matter. Mukhang natrauma na si Bree. Marahang hinaplos-haplos ko ang kanyang likuran. I hope in this way, matulungan ko syang kumalma.


"That day that I ditched you... Dapat pupunta talaga ako sa meeting place natin. But Freyja followed me. Pinagbantaan nya ako." Mabilis na napatakip ako sa aking bibig. I'm surprised with that.


"She slapped me and s-strangled me. I thought that day, mamatay na ako. But I guess, Freyja gave me a chance. She said na hindi na dapat pa akong lumapit sayo. Or else.." Bree's getting pale. Mas naging grabe rin ang kanyang panginginig.


"She's dangerous Ashleene! Kayang-kaya nyang pumatay kung gugustuhin nya. And she can do that for the sake of love." Dagdag pa nya.


While me, I'm stunned in my spot. Fuck. Kahit na sinabi nya na sa akin yun, hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Naguguluhan ako. Bakit ginawa yun ni Freyja in the first place? At para saan? Obsessed ba sya? Pero kanino naman?


Katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Busy pa rin akong iproseso ang lahat ng sinabi ni Bree.


"Do you have an evidence that she did that? Or kahit pictures man lang?" I know, nagiging hipokrita na ako. Pero gusto ko lang talagang makasigurado. Ang hirap kasing maniwala.


I heard she groaned. And the next thing that I know, dumapo na ang kanyang palad sa akin. "I know that you like her or maybe, you even love her. But please Ashleene, wag kang magbulag-bulagan sa nararamdaman mo." She exclaimed.


"Dito lang pala kita makikita Ashleene." Mabilis na napatingin kami sa taong nagsalita. It was Zarrain. She was giving us a confused-look. Mabilis na napalayo ako kay Bree.


"I need to go now Ashleene. Think of what I've said." Tinapunan nya muna ako ng huling tingin bago tuluyang umalis. She didn't even dare to look at Zarrain.


How to Stop an Obsessive Love?Where stories live. Discover now