[That's the right desisyon.] Walang ganang sabi ni Kim sa kabilang linya.


"Eh paano kung mali?"


[Andyan ka na, ibigsabihin gusto mo na talaga. Take the risk na rin, Naomi! Ay nako! Sinisira mo yung tulog ko, leche ka! Bye na nga, goodluck!]


"Salamat. Byee." Paalam ko kay Kim bago i-end yung call.


Napatingin ulit ako sa tapat ko kung nasaan yung Hidden Garden Bar at napahinga nang malalim sabay pikit para mawala yung kaba.


Nang may marinig akong humaharurot na sasakyan at pagkalingon ko kung saan nanggagaling yung tunog ay nagulat nalang nang may biglang humila saakin pagilid.


"AH!" Sa lakas nang pagkahila nun ay naout of balance ako at nadapa sa gilid ng kalsada. Nahalikan ko pa nga ata yung kalsada, pwe!


BEEEEEPPPPPPP!


"Shit!" Narinig kong sigaw nung taong humila saakin at tumunog na parang may inayos siya pero hindi ko na yun pinagtuunan nang pansin dahil sa sakit ng dibdib ko.


Feeling ko mas lalong nagflat yung dibdib ko huhu.


"What are you still doing there? Tumayo ka na dyan."


Napadilat ako nang tuluyan at napatingin doon sa nagsalita habang nakadapa pa rin. Nakita ko naman si Gino na nakatingin saakin kasama pa nung ibang taong dumadaan.


"Teka lang, ineenjoy ko pa yung pagdapa ko." Sarkastiko kong sabi at dahan dahang tumayo. Ang hapdi ng buong katawan ko. Feel ko may gasgas ako sa buong katawan ko, "Bakit mo kasi ako hinila ng ganun?!"


Hindi ko alam kung kanino ako maiinis, sakanya ba na sinubsob ako sa cementadong daan pero niligtas yung buhay ko o doon sa kotseng muntikan na akong banggain.


Medyo natakot naman ako nung nakita siyang papalapit saakin habang nakakunot yung noo at bigla bigla nalang hinawakan yung braso ko tsaka inikot ikot.


"You're welcome." Sarkastikong sabi niya at nagmadaling pumasok sa loob.


Pinagpag ko muna yung sarili ko bago sumunod sakanya at pumasok na rin sa loob. Pagkapasok ko ay agad kong nakita si Kuya Jaypee sa counter dito sa baba kaya doon ako dumeretso doon.

A Hidden Gem (Fate Series#3)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora