“Bakit ba ayaw mong pasamahin ‘yang kapatid mo kay Chloe? Hindi naman nangangain ‘yang kapatid ko. Magkasundo naman sila.”

WOW. For the first time! Tinawag akong “kapatid” ni Ivan! Magpapa-party ako mamaya! Hahaha! Joke. Ngayon lang naman yan eh, bukas wala na. Kahit itaga niyo pa yan sa bato.

“It’s just that.. they’re girls! And he’s a.. fucking boy!”

So anong pinoproblema ni Luke kung babae kami at lalaki si Ross? Di naman namin aanuhin ‘yang batang paslit na ‘yon. Duh? Parang kapatid ko na rin kaya yan. Saka ew? Si Luke lang ang pinagpapantasyahan ko ‘no. PERO NO! Ibang pagpapantasya yung akin, hindi malaswa ‘no!

“So? It’s not like na ra-rapin nila ‘yang paslit na yan. Duh? Kapatid din yan ni Immy at isa pa, wala namang interest si Chloe sa mga bata dahil iisa lang naman ang gusto niyan.”

Feeling ko double meaning pa yung sinabe ni Ivan. Totoo naman yung wala talaga akong interest sa mga bata katulad ni Ross ‘no. Hindi ako pedophile. Gusto ko lang talaga ‘yang si Ross dahil parang kapatid ko na rin siya. Ang cute kaya niya! Feeling ko yung tinutukoy ni kuya--este--Ivan na iisa lang naman ang gusto ko ay si Luke. Imbyerna talaga ‘yang si Ivan!! Subukan lang niyang sabihin ‘yon kay Luke, tatamaan yan sa akin.

“Oo nga kuya! Hindi kami pedophile!” Pagdepensa ni Immy sa amin. Natawa naman si Ross sa inasal ng ate niya. Waaa ang cute cute niya talaga. At hindi ako magsasawang ulit-ulitin ‘yon sabihin kase totoo naman.

“Fine.” Sabi ni Luke na parang nabubugnot yung mukha. Aww baby, ayos lang yan.

Pero bakit nga ba ayaw ni Luke? Imposible naman kasi na ayaw niya lang talaga nang dahil lang sa lalaki si Ross at babae kami. WAIT. Di kaya....?

OMG. Ayoko mag-assume ha? Pero di kaya nagseselos siya? Kyaaaaaa~ kung ‘yon nga ang rason, shit kinikilig ako!! Pero gaya nga ng sabi ko, ayoko mag-assume. At teka bakit naman siya magseselos? Eh wala naman siyang gusto sa akin. Pinaasa ko na naman sarili ko, psh.

“Is it okay with you, Gwen?”

OHMYGOSH!!!!! Tinanong niya ako! Waaaaaah ang gwapo niya sa ganong tono ng boses! Nakaka-inlove lalo! >.<

“O-oo naman. Let him be. Ngayon nalang ulit kami nagkita eh.” Sabi ko tapos nag-smile. Yiee, sa harap niya lang talaga ako nahihiya. Feeling ko kasi kapag nakagawa ako ng nakakahiyang bagay, matuturn-off siya sa akin.

“Alright. Hoy kulot, umayos ka ha. She’s a visitor. Wag mo siyang masyadong kulitin. Kundi lagot ka sa ak--kuya niya. See? He’s a lot stronger compared to you.”

Ano ‘yon? Parang nag-stutter pa siya? Nevermind. Bakit ba sobra siya kung magpaalala? Anyway, ayos lang naman eh. Hihihihi, kinikilig pa nga ako eh. Ayoko lang talaga ipahalata pero alam ko aasarin na naman ako ni Immy mamaya. Lalo yan si Ivan!

“Alright alright! Damn, ang dami mong sinasabi kuya! It’s okay with her naman na kulitin ko siya eh.”

“Paano ka naman nakakasiguro?”

“Because she’s my future wife.”

Jusko ‘tong bata ‘to. Talagang kinareer niya na yung pagtawag sa akin ng future wife eh ‘no? Well hayaan na, bata naman yan eh. Hihihi. Kahit naman anong sabihin, si Luke lang ang future husband ko. *^O^*

“Nah. You’re still a little kid to be her wife.”

Talagang tutol siya ha? Bakit sino ba gusto niya? Siya? Hihihi. Kung siya ayos lang naman! Hindi ako tutol dyan.

Strings AttachedМесто, где живут истории. Откройте их для себя