“CHLOOOOEEEE!”
“Future wifeeeeeee!!”
Waaaaa. Ang cute cute na ni Ross! At aba! Future wife daw? Hahaha! Sira talaga ‘tong batang ‘to! Pero ang cute niya talagaaa! Kaya gusto ko rin siya eh. PERO NO! Hindi ko siya gusto as in gusto ‘no! Hindi ako pedophile! Gusto ko lang siya maging kapatid! Kaysa dun sa batang tyanak na ‘yon! >.<
“Hi baby boy!!”
“Tss. Pedophile.”
Sinigaw ko talaga ‘yon kahit malapit lang sila sa akin. Waaa, eh sa na-miss ko ‘tong batang ‘to eh. Nanakbo si Ross papunta sa akin tapos niyakap ako ng mahigpit as in mahigpit. Ang epal talaga niyan ni Ivan! Porke’t tinawag lang na ‘baby boy’ pedophile na agad? Tss.
Hanggang ngayon yakap parin ako ni Ross at jusko feeling ko matatanggal na ang baga ko dahil hindi na ako masyadong makahinga. Utang na loob naman, maaga pa para mamatay ako. Ano bang klaseng katawan meron ‘tong batang ‘to at ang higpit niya yumakap?
May narinig akong tumawa ng mahina sa likod pero I can’t figure out kung kanino ‘yon. Pero I admit, shit ang sexy nung tawa nun.
“Ross, I think your future wife needs to fucking breathe.”
Boses ni Luke ‘yon. Alam na alam ko boses niya eh. Biglang kumalas ng yakap sa akin si Ross at tinignan ang tao sa likod ko ng masama. Pagkalingon ko. Si Luke. Tumatawa. Siya pala yung tumawa kanina! Tapos yung pagkasabi niya pa nun. O jusko. Pati yung pagmumura niya. Patawarin niyo ho ako, ngunit ako’y nagkakasala sa aking isipan (chos! ang lalim). Emegeed. Ang hot nung pakinggan >.<
“Shut up. I think you’re just——“
Hindi natapos ni Ross yung sasabihin niya dahil bigla siyang siniko ni Immy sa tagiliran, dahilan para tignan siya nito ng masama. O-kay? Weird.
“Tara Chloe, doon tayo sa room ko.” Sambit ni Immy sabay hawak sa kamay ko. Tumango ako pero hinila ni Ross yung laylayan nung damit ko. “Can I come with you?”
At nag puppy eyes pa siya tapos nag-pout! Ang cute cute niya tignan! Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Luke. Omegeeeerd.
“No. You’ll come with us.”
“But I want to be with my wife!”
“They are girls and you’re a boy.”
“So? I don’t give a damn! I want to be with my future wife!”
Seriously? Nag-aaway sila dahil lang doon? At eto ha. English pa talaga usapan nila! Myghaaad. Iba talaga kapag doon lumaki, ano? Anyway, kinikilig ako sa mga sinasabi ni Luke kasi parang ayaw niyang ipasama si Ross sa akin--sa amin.
“Ross! Watch your mouth nga.” Saway sa kanya ni Immy pero inirapan lang siya ni Ross. Nabaling ang tingin sa akin ni Ross tapos ngumiti. He held my hand tapos hahatakin na dapat ako pero hinawakan naman siya ni Immy.
“What?!”
“Where do you think you’re going?”
“Duh? Upstairs. With my babe.” Sambit ni Ross tapos nag-wink pa sa akin. Waaa. Ang cute talaga ng batang ‘to. Kapag ako nagka-anak, gusto ko yung kasing cute niya! Syempre, si Luke dapat yung husband ko. Hihihi.
“Babe?!!”
“No. Stay with kuya.”
“Yeah right. You’ll go with me Ross.” Sabi ni Luke sabay hatak sa kabilang kamay ni Ross na hindi naka-hawak sa akin. Sinamaan siya ng tingin ni Ross.
YOU ARE READING
Strings Attached
Teen FictionNaranasan mo na ba magkaroon ng crush sa kapatid ng bestfriend mo? Yung tipong lahat ng tungkol sa kanya alam mo? Yung halos dun kana matulog sa bahay nila para makita mo lang siya? Yung tipong pati tatak ng brief niya alam mo? Kung oo, panigurad...
Chapter 8
Start from the beginning
