“Ang kulit mo! Kapag hindi kita sinasagot sa mga tanong mo, nagagalit ka. Ngayon namang sinagot kita, galit ka din. Girls are really confusing.” Sabi niya habang tumingin siya sa akin saglit tapos ibinalik na yung tingin sa daan.
Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang dalhin yung kotse niya eh halos 3 streets lang ata yung layo nila sa bahay namin. Iniinggit lang yata ako neto eh. >.< Palibhasa pwede siyang mag-drive samantalang ako pinagbawalan.
At teka, talagang dinamay niya pa yung mga kapwa ko babae ha! Masama na ba magtanong ngayon? Syempre gusto ko lang naman maka-siguro kasi baka mamaya pinagti-tripan niya lang ako eh.
“Nandito na tayo. Naniniwala kana?” Tumingin ako sa labas at nakita ‘kong bahay nga nila Immy ‘to. :O Hindi naman ito yung unang beses ko na makapunta dito pero alam mo ‘yon? Iba parin yung impact eh. Ano naman kayang gagawin nila dito?
Eh kung umuwi nalang kaya ako? Oo tama, uuwi nalang ako. Maglalakad ako kung kinakailangan. Hindi ko kering pumasok dyan eh!! >.< Huhuhu. Nahihiya parin ako kay Luke. Peste kasi ‘to si Ivan eh. Mamaya asarin niya ako o ipahiya sa harap ni Luke. Alam niyo naman ‘yon diba? Ibang klase takbo ng utak niyan.
“Hoy. Tatayo ka nalang dyan? Tara na.”
“H-hindi, ayoko. Uuwi nalang ako.”
Pinasingkit ni Ivan yung mata niya ng sobra, to the point na hindi ko na makita yung mata niya. De joke lang. Pero promise, nakakatakot siyang tumingin ngayon! Bihira akong matakot sa kanya pero kakaiba yung tingin niya eh. Myghaaad. Uuwi na ba ako o hindi?
“Hindi ka pwedeng umuwi, okay?!!”
“Ayoko! Uuwi na——“
Hindi na natuloy yung sasabihin ko dahil biglang sumulpot si Luke sa likod ni Ivan (nakatalikod si Ivan sa gate nila tapos ako nakaharap doon kaya kita ko siya). Feeling ko nga sobrang nag-blush pa ako kasi bigla siyang nagsmile sa akin ng makalaglag panty!! >.<
“Sup? Oy Ivan! Hina-harass mo na naman ‘yang kapatid mo ha.”
Waaaaaaa! Narinig niyo ‘yon?!! Narinig niyo?!! Pinagtatanggol niya ako kay Ivan! OMG! Hindi ko inakala ‘yon!
“It’s her fault kung bakit ko siya sinama dito.” Sabat ni Ivan sabay tinignan ako ng masama. Inirapan ko siya.
“Anong ako?! Ikaw!” Sabat ko rin. Pabalik-balik lang yung tingin sa amin ni Luke. Kung mapapahiya ako, well might as well isama ko si Ivan sa pagkakahiya ko ‘no. Gaya nga ng sabi niya ‘Like brother, like sister.’
“Tinabig mo yung siko ko kaya natapon yung kanin. It’s your fault kung bakit ako napagalitan ni dad.” Sabi pa niya tapos binelatan ako. Can you imagine that?!! Binelatan niya ako. OMYGOSH. Bading talaga siya -_____-
“Kung hindi mo ako binuhusan ng malamig na tubig habang natutulog edi sana natuloy yung panaginip ko kasama si——“
WAAAAAAAAAAAH!!!! Muntikan ko ng masabi yung panaginip ko! Eh si Luke nga yung kasama ko diba?!! Buti nalang napigilan ko yung armalite ‘kong bunganga nung napatingin ako bigla kay Luke kasi parang nakita ko siyang nag-smirk. Ako lang ba ‘yon o talagang nag-smirk siya?
“Kasama si?”
PESTE KA KUYA--ESTE--IVAN!! NAKAKAINIS KA! BAKIT KASI TINANONG MO PA YAN!! BWISET KA! HUMANDA KA TALAGA SA AKIN! IPAPA-GANGBANG KITA SA BUWAYA!
“Lagi talaga kayong may World War III ‘no? Pumasok na kayo. Gwen? Don’t worry nandyan si Immy at Ross, hindi ka mabo-bored.”
Haaay. Buti nalang lagi kang nandyan para sa akin Luke. Kaya love na love kita eh. Hihi. Tapos tinawag niya na naman ako na ‘Gwen’!! Yiee omayghaaad! Tapos ang hot ng boses niya pag nagtatagalog >\\\< Ang slang niya parin magsalita kahit tagalog tapos parang medyo nahihirapan pa siya. Ike-kwento ko ‘yon kay Immy mamaya! Napatingin ako bigla kay Ivan at nakita ‘kong nakasimangot na naman siya sa akin. Ang epal niya! Good mood na nga ako tapos dahil lang sa nakita ko yung panget niyang pagmumukha feeling ko nasira na naman yung araw ko!
YOU ARE READING
Strings Attached
Teen FictionNaranasan mo na ba magkaroon ng crush sa kapatid ng bestfriend mo? Yung tipong lahat ng tungkol sa kanya alam mo? Yung halos dun kana matulog sa bahay nila para makita mo lang siya? Yung tipong pati tatak ng brief niya alam mo? Kung oo, panigurad...
Chapter 8
Start from the beginning
