“ARAY! Chloe naman eh, joke lang ‘yon.”
Alam niyo ba ginawa ko? Hehe binatukan ko lang naman siya. Kung ano-ano pa kasi sinasabi niya di nalang magpahinga dyan. Tumingin naman siya sa akin habang hinihimas yung batok niya.
“Uy Chloe, sorry na.”
Bakit ba siya nagso-sorry? Luh, baliw din ata ‘to eh. May nagawa ba siya? Wala naman ah. Bukod dun sa sinabi niya, wala namang iba. Dapat nga ako magsorry kasi binatukan ko siya eh.
“Bakit ka nagso-sorry?”
“Huh? Hayy, Chloe talaga.” Sabi niya tapos nagsmile na naman ng makalaglag panty. Hala!! Ano ba ‘tong mga sinasabi ko. Nahahawa na yata ako dun kay Immy eh.
***
Pinarada na ni Kier yung kotse niya sa tapat ng bahay namin. Oo, hinatid niya ako dahil hindi raw ako masusundo nung driver dahil umuwi ng probinsya. At kung nagtataka kayo kung nasaan si Ivan, iniwan lang naman niya ako at hindi sinabay pauwi. Kaya eto hinatid na ako ni Kier tutal kabilang street lang naman pala yung bahay nila. Hihi, coincidence ba?
“Chloe..” Narinig kong sambit ni Kier kaya naman napatingin ako sa kanya.
“Hmm?”
Ngumiti siya ng bahagya. Kyaaa, ang puti ng ngipin niya tapos ang gwapo niya. Pero don’t get me wrong ha? Kay Luke parin ako. Oo nga pala, hindi ko pa pala nakwento sa kanya si Luke. Kasi naman eh, siya lang kaya kwento ng kwento kanina di man lang ako pinayagan magsalita. Hayy, may bukas pa naman eh.
“Thank you for today.”
Napa-smile naman ako sa sinabi niya. Grabe akala ko siya yung tipo ng lalaki na snob, masungit at cold pero kabaliktaran pala niya lahat ‘yon. Ang hyper niya sobra tapos ang daldal. Myghaaad, hindi ko inakala ‘yon.
“Wala ‘yon. Welcome na welcome.”
Napalingon naman siya sa may labas, kaya napatingin na din ako. Pagkatingin ko... tss yung bakulaw pala. Waaa, sabi ko na nga ba dapat hindi muna ako umuwi eh. At talagang hinintay pa niya ako ha! Akala niya mapapapayag niya ako? Asa naman siya.
“O pano ba yan? Bukas nalang ha. Andyan na si bakulaw eh. Pai pai!” Sabi ko sa kanya sabay binuksan na yung passenger seat. Nakita ko siyang nag-smile sa akin kaya naman nagwave na ako.
Pero bago pa ako maka-layo ay tinawag na naman ako Kier. May nakalimutan ba ako sa kotse niya? “CHLOE!!”
Grabe naman yung boses niya! Hala, di ko ma-imagine na ganyan din pala kalakas boses niya. Parehas sila ni Ivan. Tapos sasabihan niya ako na parang megaphone yung boses ko tapos ganun din naman pala sa kanya.
“Yes?”
“BUKAS ULIT HA?!!” Ay? -___- Ang kulit ng lahi? Sinabi ko na sa kanya ‘yon kanina diba? Ilang beses ba ‘to iniri ng mommy niya?
“Oo si——“
“HALIMAW! PUMASOK KANA DITO SA LOOB! MAGTU-TUOS PA TAYO!!”
Okay, pwede bang magtanong? Pataasan ba ng boses dito? Yung totoo? Una, si Kier yung sumigaw tapos susunod naman si Ivan? Oo tama, si bakulaw nga. Peste yan eh, parehas sila ni Sakura. Nagthumbs-up nalang ako kay Kier tapos kumaripas na ng takbo papasok sa bahay. Pagka-daan ko sa harap ni Ivan, inirapan ko siya tapos sinipa sa tuhod. Bagay lang sa kanya ‘yon!! Peste siya, may kausap pa ako tapos makiki-singit siya? Tss bastusan.
Pagkapasok ko sa loob, agad akong umupo doon sa couch sa living room dahil tinatamad pa akong umakyat at isa pa hindi pa ako tapos dito sa bakulaw na ‘to. Napansin ko na nakaupo narin pala siya sa katapat kong couch. Ano? Magtititigan nalang kami?
“Sino ‘yon?”
“Huh?”
“Sino yung naghatid sa’yo?”
“Ahh, si Kimlher.”
“Kimlher? Saan mo ‘yon nakilala?”
“Duh, exchange student ‘yon. Bakit ka ba interesado ha?”
“He looks familiar. I think I saw him before.”
“Oo nga. Nandoon siya sa party eh.”
He smirked. “So that explains why, huh?”
Ano bang sinasabi niya? Ang weird niya talaga. Bakit ba siya biglang naging interesado kay Kimlher? Wag mong sabihin na type niya rin ‘yon? Bakla tss.
“Wala ka talagang kwenta kausap, tss.” Nakakabadtrip siya. Akala ko pa naman mahalaga yung sasabihin, sinigawan pa niya ako ng “halimaw” sa harap ni Kier. Panira talaga ng araw ‘yang dalawa kong kapatid. Paakyat na sana ako ng hagdan ng biglang tinawag na naman ako ni Ivan.
“Chloe..” Pustahan may hihingin yan. Tinawag ako sa pangalan ko eh. “Ano?” Sambit ko ng may halong inis. Okay na sana yung araw ko eh, kaso alam na hindi mawawalan ng mga masasamang espirito.
“Magbihis ka.”
“Malamang. Tanga lang? Anong gusto mo matutulog ako ng naka-uniform?”
“Tss. Sasamahan mo pa ako.”
Oh no. Ayan na nga bang sinasabi ko eh.
“Nag-aadik ka? Asa ka pa dyan. Manigas ka!”
“Wag mong sabihin na nakalimutan mo na yung sinabi ni Daddy? Pwede akong lumabas basta kasama ka. Ngayon, I will go out and you’ll come with me.”
“Ayoko! Bahala ka dyan!” Sambit ko ng may halong inis sabay tinuloy ang pagakyat. Diba sinabi ko naman sa inyo na hindi nga ako papayag? AYOKO. Siya naman may kasalanan tapos idadamay niya ako? Aba’y ano siya sinuswerte?
Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan ng sabihin niya ang mga salita na lalong nakapag-pakulo ng dugo ko. “Kapag hindi ka sumama, sasabihin ko kay Luke na patay na patay ka sa kanya.”
AT NAGAWA PANG MAG-SMIRK NG BAKULAW NA YAN?!!!! EPAL TALAGA SIYA. URGGGGH, BLACKMAIL BA YAN? BADTRIP. GAGANTI AKO SAYO AKALA MO!
“FINE!”
“Oh, and one more thing.”
Napatigil na naman ako. Wag mong sabihin may mas worst pa sa sasabihin niya? Kung hindi hahampasin ko na talaga siya ng bag ko. Huhu susumbong ko na talaga siya kay mommy.
“Alam na pala ni Luke na may gusto ka sa kanya. Goodluck little sis!”
Anong nakain niya at tinawag niya akong little sis?
At teka...
A-alam na ni Luke na may gusto ako sa kanya?!!!!!
Oh no.
OH NO TALAGA!!!!
NOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!
YOU ARE READING
Strings Attached
Teen FictionNaranasan mo na ba magkaroon ng crush sa kapatid ng bestfriend mo? Yung tipong lahat ng tungkol sa kanya alam mo? Yung halos dun kana matulog sa bahay nila para makita mo lang siya? Yung tipong pati tatak ng brief niya alam mo? Kung oo, panigurad...
Chapter 7
Start from the beginning
